by Henry Buzar November 23, 2020 Nitong panahon ng Duterte administrasyon, mukhang nagbago na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan. Meron na t...
November 23, 2020
Nitong panahon ng Duterte administrasyon, mukhang nagbago na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan. Meron na tayong mga barko, aircraft, LST, at iba pang mga gamit pang-katihan man o pang-dagat na nagagamit natin sa pagresponde sa disaster at mga kalamidad.
Kudos sa AFP, PCG at BFP na kahit naman ginastusan natin ng biyong-bilyong budget para sa modernisasyon nila, napakikinabangan na natin ngayon, kasama pa ang mabilis na pag-aksyon nila.
Sa pagdalaw ni Yolanda sa Kabisayaan, naobserbahan ko ang pag-galaw ng militar ng Estados Unidos: ang mga pagpapakilos nila ng mga chinook, osprey at iba pang gamit pang-dagat at pang-himpapawid.
Sa Tacloban, malapit sa airport, mabilis na nakapag-konkreto ang mga Amerikano sa isang bakanteng lote, nagkabit ng mga tent, kasabay ang mga mini-loaders, kung saan sa kanilang Incident Command System ay nakapag-aasign kakaagad ng mga tao na may kanya-kanyang mga tasks.
Parang langgam na episyenteng gumalaw at nagbaba mg mga relief goods at nagkarga muli sa mga ospreys upang dalhin naman sa mga remote areas ng Kabisayaan.
Ngayon ay hindi na natin sila kailangan. Meron na tayong malalaking sasakyan, mga bagong helicopter at barkong ginagamit sa mga relief operation.
Sa aking palagay at sa aking mga naobserbahan bilang isa sa mga taong dating naka-alalay sa DRM, malayo-layo na rin ang ating narating. Sana ay tuloy-tuloy na ito at madagdagan pa ang ating mga gamit.
No comments