by Quezon - PIO November 9, 2020 LUCENA CITY - Isinagawa ang paggunita sa ika-179th death anniversary ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala b...
November 9, 2020
LUCENA CITY - Isinagawa ang paggunita sa ika-179th death anniversary ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala bilang Hermano Puli sa kanyang bantayog sa Barangay Isabang, Lungsod ng Tayabas nitong nakaraang Nobyembre 4 araw ng Miyerkules.
Dinaluhan naman ito sa pangunguna ng Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez, Vice Governor Sam Nantes, 4th District Board Member Dhoray Tan, LGU Tayabas, Southern Luzon Command (SOLCOM), Bureau of Fire Protection (BFP), DepEd Division of Quezon – Lucena at iba pang mga pinuno at kinatawan mula sa tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Kaugnay nito ay nagkaroon naman ng pagaalay ng mga bulaklak sa monumento ni Hermano Puli na bahagi ng naturang aktibidad kaisa ang iba’t-ibang department heads at kawani ng mga tanggapan mula sa Pamahalaang Panlalawigan, iba Nasyunal na tanggapan at ilang mga Pribadong Sektor ng Probinsya.
Matapos nito ay bumisita naman ang ating Presidential daughter at Mayor ng Davao na si Hon. Sara Duterte kasama si Senator Imee Marcos upang ihatid ang mga relief goods para sa mga mamamayan ng Probinsya ng Quezon na labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo na nabiktima rin ng matinding pagbaha sa ilang mga bayan ng ating Lalawigan.
Samantala, asahan pa ang ilang mga programa at serbisyong ipinamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan para sa lahat ng sektor sa ating Probinsya.
No comments