by Henry Buzar November 23, 2020 May sinasabi sa Ekonomiks na isang klase ng implasyon (inflation) o pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Tinat...
November 23, 2020
May sinasabi sa Ekonomiks na isang klase ng implasyon (inflation) o pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Tinatawag itong pagtulak sa pagtaas ng presyo ng isang importanteng produkto (cost-push inflation) kagaya ng gasolina o bayad sa serbisyo. Maari din itong magdulot ng pagtaas ng iba pang presyo sa kadahilanang maaring maapektuhan din naman ang presyo ng pamasahe at pagbabyahe ng mga produkto sa iba-ibang lugar.
Bakit biglang nagtaasan ang presyo ng mga bilihin lalong lalo na ang mga produktong agrikultura katulad ng karne at mga gulay?
Ang pagkakaroon ba ng African swine fever ang naging mitsa at dahilan sa pagtaas ng presyo ng karneng baboy na nagtulak naman sa pagtaas din ng presyo ng ibang produktong karne?
Kung tumaas ang presyo ng karneng baboy, tataas din ba ang presyo ng baka at manok? Malamang. Ito ang tinatawag na "cross-elasticity of demand" o gomang bumabatak pahaba at paigsi sa katulad na produkto-halimbawa karne. Kung tumaas ang presyo ng baboy, lilipat tayo sa manok o baka at lalaki ang dimand dito. Kapag malaki ang dimand siempre tataas ang presyo.
Bakit naman sa gulay tumaas din? Ang sibuyas e Php 200 kada kilo. Ang pechay na 3 punong maliit ay Php 13 kada tali. Bakit ganon?
Rason kasi, tinamaan ng bagyo ang mga nagpro-produce ng gulay na mga lalawigan kaya taas din ang presyo ng mga gulay sapagkat may kakulangan naman sa suplay.
Ok lang ito. Ang problema, nagtataasan ang presyo ng mga bilihin ang sahod naman ay hindi umaangat. Ibig sabihin, ang porsyentong pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay mas mataas kesa porsyentong pagtaas ng sahod. Ano ang apektado? Ang "cost of living". Ano ang implikasyon nito. Hirap ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho, mga pensyonado sapagkat hindi naman tumataas ang pension, ang mga trabahador na hindi gumalaw ang sahod sa loob ng limang taon, ang may mga sakit na malaking porsyento ng kagastusan ay pumupunta sa gamot.
Ang masakit pa dito yong dati mong Php 2k na budget pamalengke isang Linggo, wala ng gaanong mabibili sa isdang Php 350 kada kilo, baboy na Php 300/kilo. Sabi nga nong iba, ang pandak lang daw ang hindi tumataas.
Ano ang pangkalahatang implikasyon? Ang pagdami ng mahirap sa bansa na sinabayan pa ng pandemya at sunod-sunod na bagyo. Kawawa talaga ang Pinoy. Makababawi sana tayo kung hindi na tayo mag-cecelebrate ng pasko, na imposible naman para sa katulad nating nakatatoo na ang Pasko.
No comments