by Quezon PIO November 17, 2020 LUCENA CITY - Patuloy na tinutugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga kailangang suporta ng iba’t-ibang s...
November 17, 2020
LUCENA CITY - Patuloy na tinutugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga kailangang suporta ng iba’t-ibang sektor ng Probinsya na apektado dahil sa nararanasang pandemya kasabay pa ng nagdaang mga bagyo sa ating Lalawigan.
Kung kaya agad na nagtungo ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, 2nd District Cong. David “Jayjay” Suarez at Board Member Yna Liwanag sa bayan ng Candelaria at Tiaong nitong ika-10 ng Nobyembre araw ng Martes.
Sa pakikipagugnayan ng Provincial Government sa Department of Agriculture Region-4A sa pangunguna ni Executive Director Engr. Arnel de Mes ay naipamahagi ang mga agricultural interventions sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo sa mga nabanggit na bayan na dinaluhan din ni Candelaria Mayor Macky Boongaling at Vice Mayor George Suayan kasama si Tiaong Mayor Ramon Preza at Sangguniang Bayan ng Tiaong.
Habang sa pagpapatuloy naman ng Serbisyong Suarez C.A.R.E.S o Complimentary Assistance and Response for Education Sector ay naipagkaloob ang assistance at kahon-kahong mga bondpapers para sa mga public school teachers ng bayan ng Candelaria bilang suporta sa kanilang tuloy-tuloy na pagtupad sa kanilang tungkulin sa pagharap sa bagong normal.
Kaugnay nito, bilang kinatawan ng Ama ng Lalawigan Danilo E. Suarez ay personal namang nagtungo si 3rd District Board Member Jet Suarez upang ihatid ang mga serbisyo sa mga guro sa bayan ng Pitogo na personal namang sinalubong ni Vice Mayor Dexter Sayat kasama ang Sangguniang Bayan ng Pitogo.
Samantala, sa kabila ng mga pagsubok at krisis na hinaharap ng ating Lalawigan ay nariyan naman ang agarang Aksyon at Serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan na kaloob para sa mga mamamayan ng Probinsya ng Quezon. (Quezon - PIO)
No comments