Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamamahagi ng mga kagamitang pang-agrikultura, pinangunahan ng DAR IV-A at pamahalaang panlalawigan ng Quezon

by Quezon - PIO November 30, 2020 LUCENA CITY - Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) at Pamahalaang Panlalawigan ang pamamahagi ng...

by Quezon - PIO
November 30, 2020


Pamamahagi ng mga kagamitang pang-agrikultura, pinangunahan ng DAR IV-A at pamahalaang panlalawigan ng Quezon


LUCENA CITY - Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) at Pamahalaang Panlalawigan ang pamamahagi ng mga makinaryang pangsaka at iba pang gamit pang-agrikultura para sa ating mga kalalawigang magsasaka.

Kung saan ay isinagawa ang aktibidad na ito sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena nitong araw ng Martes, ika-24 ng Nobyembre na personal na dinaluhan ni Regional Executive Director Engr. Arnel De Mesa, CESO IV ng DA, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) Director IV Dr. Baldwin G. Jallorina kasama sina Governor Danilo E. Suarez, Vice Governor Sam Nantes, 3rd District Congw. Aleta Suarez, 2nd District Congr. David Suarez na kinatawanan ni District Officer Mr. Diony Rodolfa, Board Members Alona Obispo, Yna Liwanag, Jet Suarez, Reynan Arrogancia, Dhoray Tan at Provincial Agriculturist Reoberto Gajo.



Nakiisa rin sa naturang event ang mga Punong Bayan ng Agdangan, Candelaria at Gumaca maging ang mga Municipal Agriculturist Officers at ang mga grupo ng mga magsasaka sa ating Lalawigan na silang tumanggap ng mga agricultural inputs and farm machineries mula sa Department of Agriculture.

Habang sa naging panayam natin kay Regional Director De Mesa kanyang ipinahayag na kaisa ang DA ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaabot ng suporta sa sektor ng agrikultura sa ating Lalawigan upang mapanatili ang mataas na ani ng mga magsasaka sa ating Probinsya gayon din ang kanilang palagiang pagtugon sa kailangang mga programa ng Lalawigan upang mas makilala ang Quezon bilang Food basket sa buong CALABAZON.



Para kay PhilMech Director IV Jallorina, malaking tulong para sa mga magsasaka ang mga makinarya upang mas mapabilis ang produksyon ng pagsasaka sa ating Lalawigan gayon din ang patuloy na pagpapaabot ng suporta sa ating Lalawigan upang matulungan ang mga kabilang sa sektor ng agrikultura.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Secretary William Dar ng DA at Senator Cynthia Villar sa pamamagitan ng video message upang magpaabot ng kanilang pagbati at suporta sa mga benepisyaryo ng mga kagamitan sa sakahan.



Sa naging pananalita naman ni Governor Suarez kanyang ibinahagi ang ilan sa mga programa at suportang kanyang ipinaabot sa mga magsasaka at mangingisda na may malaking papel na ginagampanan sa ating Lalawigan kasabay ng kanyang pagbabahagi ng mga pinalawig na iba’t-ibang programa ng Provincial Government para sa ating mga kalalawigan.

Patuloy naman ang ginagawang mga interventions sa agricultural sector ng ating Probinsya na isa sa sinubok ng mga nagdaang sama ng panahon na nagdulot ng malaking danyos sa pangkabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, subalit nariyan ang palagiang pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga kailangang tulong ng ating mga kalalawigan para maipagpatuloy ang masaganang ani ng at huli.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.