by Quezon – PIO November 23, 2020 LUCENA CITY - Pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez ang pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayang n...
November 23, 2020
LUCENA CITY - Pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez ang pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayang nasalanta ang kabuhayan at pangaraw-araw na pamumuhay dahil sa bagyong humagupit sa mga bayan ng Real, General Nakar at Infanta o kilala sa tawag na REINA area na nagdulot ng pagbaha, pagkawala ng daloy ng kuryente, pagkasira ng mga pananim sa mga sakahan at pagkadapa ng ilang mga tahanan.
Kung kaya agad na tumulak ang ating Gobernador kasama sina Vice Governor Sam Nantes at kinatawan ng unang distrito Bokal Alona Obispo sa mga nabanggit na bayan nitong araw ng Martes, ika-17 ng Nobyembre upang kamustahin ang kalagayan ng ating mga kababayan sa bahagi ng REINA area.
Dala ng grupo ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga yero, relief food packs at mga kagamitang pangsakahan na tulong para sa ating mga kalalawigang nabiktima ng pananalanta ng bagyo sa ilang mga bayan sa unang distrito.
Labis naman ang pasasalamat ng mga bawat alkalde mula sa bayan Real, General Nakar at Infanta sa Provincial Government dahil palagiang pagaksyon at paghahatid ng tulong para sa kanilang mga kababayan na ngayon ay patuloy na humaharap sa hamon ng bagong normal.
Nariyan naman ang laging pagpapaabot ng suporta ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Nantes at Bokal Obispo sa mga ipinamamahaging serbisyo para sa mga mamamayan ng unang distrito.
Gayon din ay palagi namang nakaantabay ang ating Gobernador Suarez sa ating mga kababayan at handang magpaabot ng suporta sa mga kailangan ng ating mga kalalawigan na tutugon sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at hanapbuhay lalo na ngayong panahon ng Pandemya andyan din ang paalala ng Ama ng ating Lalawigan ng pagaalay ng taimtim na Panalangin upang malagpasan ang pagsubok na hinaharan ng ating Probinsya kasabay ng kanyang pasasalamat sa oportunidad na ibinagay ng mga mamamayan ng Quezon upang mapaglingkuran niya ang bawat Quezonian.
Sa ngayon ay patuloy sa pagsuyod ang gruupo ng Pamahalaang Panlalawigan sa buong Probinsya kasabay ng pakikipagugnayan at paglapit sa iba’t-ibang Nasyunal na tanggapan upang makatuwang sa paghahatid ng ayuda at programa para sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Quezon.
No comments