by Quezon – PIO November 23, 2020 LUCENA CITY - Binisita ng Ama ng ating Lalawigan ang POGI area o Polillo Group of Islands upang ipamahagi ...
November 23, 2020
LUCENA CITY - Binisita ng Ama ng ating Lalawigan ang POGI area o Polillo Group of Islands upang ipamahagi ang tulong sa ating mga kababayan mula sa iba't-ibang sektor ng ating Probinsya na patuloy na humaharap sa hamon ng bagong normal dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.
Kung saan magkakasunod na pinuntahan ng ating Gobernador ang mga isla ng Jomalig, Patnanungan, Polillo, Burdeos at Panukulan kaisa sina Vice Governor Sam Nantes at 1st District Board Member Alona Obispo nitong nakalipas na araw ng Lunes, ika-16 ng Nobyembre.
Habang personal naman na sinalubong ng mga Punong Bayan ng mga nabanggit na lugar ang grupo nina Governor Suarez upang magpasalamat sa mga tulong na kaloob para sa kanilang pinaglilingkurang mga kababayan.
Gayon din ay naghatid ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga kababayan nating naapektuhan ng daang bagyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng relief food packs, mga yero, bangka at mga agricultural inputs and farm machineries para sa mga mamamayan ng POGI area.
Kasabay ng mga assistance na kaloob sa mga public school teacher, child development workers (CDW), barangay nutrition scholars (BNS), mga magsasaka, mangingisda at ang pagkakaloob sa mga Barangay Kapitan ng pinalawig na health coupon na maaari ng magamit sa mga pribadong pagamutan sa ating Lalawigan na katuwang ng Provincial Government.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa inihatid na tugon ng Pamahaalang Panlalawigan na kanilang magagamit sa kanilang mga tungkuling ginagampanan at maging sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan.
Patuloy naman ang pagpapaabot ng suporta ng ating Bise Gobernador Nantes at Bokal Obispo ng unang distrito sa bawat serbisyo, programa at proyektong ipinaabot ng Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga kalalawigan.
Samantala, sa mensahe ni Governor Suarez kanyang ibinahagi ang mga pinalawig at tuloy-tuloy na programang ipinaabot ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ating mga Quezonian gayon din ang kanyang palagiang pagpapasalamat sa mga mamamayan na nagbigay ng tiwala sa kanya upang makapaglingkod sa ating Probinsya.
Sa ngayon ay nagapatuloy naman ang pagbisita ng grupo ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Lungsod at Bayan sa ating Probinsya upang personal na ihatid ang aksyon at serbisyo na tugon para sa iba’t-ibang sektor ng ating Lipunan.
No comments