by Quezon - PIO November 9, 2020 LUCENA CITY - Ipinagkaloob ni Governor Danilo E. Suarez ang mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlala...
November 9, 2020
LUCENA CITY - Ipinagkaloob ni Governor Danilo E. Suarez ang mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang sektor ng ating Lipunan mula sa bayan ng Pagbilao at Sariaya, nitong araw ng Miyerkules, ika-28 ng Oktubre.
Kung kaya kaisa ng ating Gobernador sina Vice Governor Sam Nantes at 2nd District Board Member Yna Liwanag at kinatawan ni 1st District Board Member Alona Obispo na si G. Gary Abanilla sa pagpapaabot ng serbisyo sa ating mga kababayan mula sa nabanggit na bayan.
Unang nakasama ni Governor Suarez ang mga guro ng pampublikong paaralan ng bayan ng Pagbilao at handog ay cash assistance at bond papers na kanilang magagamit sa kanilang mga trabaho ngayong panahon ng pandemya na labis naman ang pasasalamat mula kay DepEd Quezon Division, OIC – Superintendent Mr. Elias Alicaya sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa sektor ng edukasyon.
Habang sunod namang pinuntahan ng ating Gobernador ay ang mga Pagbilawin na Child Development Workers (CDW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) upang ipamahagi ang assistance at Early childhood care Development (ECCD) checklist na kanilang magagamit sa patuloy na pagtupad sa kani-kanilang mga tungkulin.
Sunod nito, ay agad tumulak ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan Sariaya upang personal din na maipagkaloob ang assistance para sa mga CDW at BNS na katuwang ng Provincial Government sa pagpapaabot ng serbisyo sa kanilang mga kababayan.
Habang labis naman ang pasasalamat ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta sa mga kaloob na serbisyo at programa ng Pamahalaang Panlalawigan at nagbahagi naman ng mensahe ng pag-asa at inspirasyon si Pagbilao Mayor Shierre Ann Palicpic para sa mga Pagbilawin.
Patuloy naman sa pagpaabot ng buong suporta sina Vice Governor Nantes at Bokal Liwanag sa mga ibinababang programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap ng ating Probinsya, maging ang kanilang pagkilala sa iba’t-ibang manggagawa na patuloy na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa gitna ng Pandemya.
Samantala, bukod sa mga balitang pinalawig serbisyo, programa at proyekto ng Provincial Government ay nariyan ang paalala ni Governor Danny Suarez ng pag-aalay ng panalangin upang sama-samang malagpasan ang COVID-19 sa ating Probinsya. Gayon din ang kanyang pagpapasalamat sa mga mamamayan ng Sariaya at Pagbilao dahil sa oportunidad na ibinagay sa kanya upang makapaglingkod sa kanyang mga kalalawigan.
Asahan pa ang mga naka-linyang programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan na hangad na agad maipagkaloob sa ating mga kababayang Quezonian sa inisyatibo at patuloy na pagtugon ng Ama ng ating Lalawigan, Danilo E. Suarez para sa mga mamamayan ng Probinsya ng Quezon.
No comments