by Quezon – PIO December 12, 2020 LUCENA CITY - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga tulong at serbisyo para sa ating mga kababa...
December 12, 2020
LUCENA CITY - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga tulong at serbisyo para sa ating mga kababayang patuloy na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagharap sa bagong normal dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.
Kung kaya personal na binisita ni Governor Danilo E. Suarez kaisa sina Vice Goveronor Sam Nantes at 1st District Board Member Alona Obispo ang bayan ng Mauban upang ihatid ang mga suportang tugon sa mga manggagawang Maubanin.
Habang sinalubong naman ni Mayor Marita Llamas at Vice Mayor Maribel Trinidad kasama ang Sangguniang Bayan ng Mauban ang grupo mula sa Pamahalaang Panlalawigan kung saan unang tumulak sa Mauban District Hospital upang pangunahan ang pagbabasbas ng ipinagawang pedia ward at admin office sa nabanggit na ospital na isa sa mga ipinangako ni Governor Suarez.
Sinundan naman ito ng pakikipagkumustahan sa mga pampublikong mga guro at mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at ipinamahagi ang assistance para sa kanilang mga patuloy na ginagampanan ang tungkulin gayon din ay nagkaloob naman ng mga bond papers para sa bawat pampublikong paaralan ng Mauban na magagamit sa paggawa ng modules.
Nakasama rin ng grupo ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga Child Development Workers (CDW) na dating tinatawag na daycare workers at naipamahagi sa kanila ang mga early childhood care and development (ECCD) checklist na kanilang material na magagamit sa pagtuturo sa mga bata kasabay nito ang pagkakaloob sa kanila ng assistance na magagamit sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Llamas sa mga tulong at serbisyong handog sa kanyang mga kababayan at sa kanilang bayan gayon din ang patuloy nilang paglilingkod sa kanilang lugar kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan.
Patuloy namang ipinaaabot nina Vice Governor Nantes at Bokal Obispo ang kanilang suporta sa pagpapaabot ng tulong sa ating mga kalalawigan ngayong panahon ng pandemya gayon din sila ay laging katuwang ni Governor Suarez upang masigurong ang serbisyo ay maipagkakaloob ano mang oras.
Habang, ibinahagi naman ni Governor Suarez ang mga pinalawig na programa, serbisyo at proyekto para sa bawat Quezonian gayon din ang pagpapaabot ng suporta sa bawat kailangang tulong ng ating mga kalalawigan ano mang sektor ang kanilang kinabibilangan.
Patuloy ang pagikot ng grupo ng Provincial Government sa ibat-ibang lugar sa ating Probinsya sa pangunguna ng Ama ng ating Lalawigan upang masigurong maihahatid ang aksyon at serbisyong tutugon sa mga pangangailangan ng ating mga kapwa Quezonian.
No comments