Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Calamity aid, ipinagkaloob para sa mga repatriated ofw’s sa lungsod

by PIO Lucena/K.Monfero December 22, 2020 Overseas Filipino Workers o OFW’s (Photo...

by PIO Lucena/K.Monfero
December 22, 2020


Calamity aid, ipinagkaloob para sa mga repatriated ofw’s sa lungsod
Overseas Filipino Workers o OFW’s (Photo from PIO Lucena) 



LUCENA CITY - Magugunitang karamihan sa mga Overseas Filipino Workers o OFW’s ay higit na naapektuhan ang paghahanap-buhay dahil sa pagkakaroon ng Coronavirus 2019 o Covid-19.

Kaya hindi naman naging hadlang kay Coun. Atty. Sunshine Abcede-Llaga na makapag-bigay ng tulong sa mga kababayan nitong OFW.



Kamakailan lang ay nagkaloob ang opisina ni Coun. Abcede ng cash aid para sa mga labing anim (16) kababayan nitong OFWs na naapektuhan ang hanap-buhay dahil sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19.

Ayon sa konsehala, ang naturang cash aid ay nagmula umano sa Center for Migrant Advocacy Philippines, Inc. (CMA).



Kasabay naman ng nasabing pamamahagi, isa-isang kinumusta ni konsehala ang kalalagayan ng 16 na OFWs at ibinahagi rin nito ang mga programa ng kanilang opsina, isa na nga sa mga programang ito ay ag Project E-Konek.

Tinalakay din naman ng hepe ng Public Employment Service Office o PESO ang mga programa ng lokal na pamahalaan at ang assistance na maaaring makuha ng mga repatriated OFWs.



Nagbigay naman ng taos sa pusong pasasalamat ang naturang mga OFWs sa ipinagkaloob na tulong na ito sa kanila.

Anila, malaking tulong na ang ipinagkaloob na cash aid sa kanila lalo na ngayong nasa panahon ng pandemya.

Ang ginawang pagtulong ni Coun. Sunshine Abcede-Llaga ay bilang bahagi pa rin umano ng kanyang tungkulin bilang isang halal na opisyal ng lungsod, at ito ay ang makapag-bigay ng tulong sa kanyang mga kababayan sa abot ng kanyang makakaya.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.