by Henry Buzar December 16, 2020 Kalamidad. (Photo from UNTV News) ...
December 16, 2020
Kalamidad. (Photo from UNTV News) |
Kapag walang abiso ng bagyo ang PAGASA, wala tayong dapat ikabahala at laman malimit ng isipan natin ay mga parating na okasyon katulad ng birthdayan, pasko, fiesta o anibersaryo ng kung anu-ano. Malimit winawalang bahala natin ang ulan at sa katunayan pa maraming inspirasyon ang nagagawa ng ulan-sa mga awit, tula at kahit pa sa liham pag-ibig.
Ngunit ang malakas na pag-ulan (torrential rain) ay isa sa mga risko na pumapatak sa ilalim ng climatologigal hazards. Hindi natin inaasahan, minsan ulan lamang na siya palang sisira sa ating mga ari-arian at minsan nga ay kumikitil pa ng buhay.
Anu-ano ang panganib na dala ng malakas na pag-ulan sa mga komunidad?
Una dito ay river flooding (fluvial o rivirine). Dalawang panganib ang pupwedeng maganap sa pagbaha sa mga kailogan: a) pag-apaw ng ilog - kung saan ang carrying capacity ay nalalampasan at umaapaw sa kapatagan. b) flash flood - biglaang mga pagbaha kalimitan na nangyayari sa mga mababang lugar dala ng pamamaga ng mga ilog sanhi ng biglaang pag-ulan ng malakas.
Ikalawa ay Pluvial Flooding. Ang isang pluvial, o pang-ibabaw na baha ng tubig, ay nangyayari kapag ang malakas na pag-ulan ay lumilikha ng isang kaganapan sa pagbaha na independiyente sa isang umaapaw na katawan ng tubig. Ang isa sa mga pinakakaraniwang maling kuru-kuro tungkol sa peligro sa baha na ang isang tao na malapit sa isang ilog o sapa lamang ang dapat mangamba kapag malakas ang mga pag-ulan.
Ang mga pluvial na mga pag-baha ay nagpapatunay na pwedeng mangyari ito sa anumang lugar ng lunsod. Ang pluvial flooding ay kalimitang sanhi ng pagpatay sa mga daanan ng tubig (hal: sapa) na ginagawang konkreto ng mga subdivision developer na isinasama sa mga ibinibentang lote at minsan kahit mga ginawang kalye ng DPWH. Sa mga bagong access roads, mapapansin na napakaliit at napaka-konti ng mga culvert na dapat daanan ng mga tubig. Dito kalimitan nagsisimula ang mga pluvial flooding.
Sa REINA, sa kakulangan ng mga masusing pag-aaral, pinaniniwalaan na ang naging sanhi ng malawakang pagbaha ay tinatawag na "damming." Ito ay napigil na tubig sa isang mataas na lugar o ilog dahilan sa mga nakaharang na mga puno at kapag namaga ay biglang mabubuksan na nagiging sanhi ng "flash flood."
Ito ang mga hindi inaasahang pangyayari na maaring maranasan natin kahit saang lugar. Kailangang pag-aralan nating mabuti kasama na ang "history ng mga pag-baha" ng isang lugar kung ito ay binaha na ng mga nagdaang mga taon sa ganon ay ating mapag-handaan at makagawa ng mga hakbangin upang maiwasan ito.
No comments