by PIO Lucena/EJBagnes December 22, 2020 Si Kuya Mark Alcala upang ibigay ang ten...
December 22, 2020
Si Kuya Mark Alcala upang ibigay ang tent para sa Tricycle Operators and Drivers Association o TODA at Medikal Kit para sa Barangay Health Center ng naturang Barangay. (Photo from PIO Lucena) |
LUCENA CITY - Hindi alintala ang pagbuhos ng ulan at paghampas ng alon upang maiparating ng personal ni Kuya Mark Alcala ang ilang mga kagamitan para sa mga residente ng Barangay Ransohan.
Kamakailan ay tumungo si Kuya Mark Alcala upang ibigay ang tent para sa Tricycle Operators and Drivers Association o TODA at Medikal Kit para sa Barangay Health Center ng naturang barangay.
Malugod naman tinanggap ng Sangguniang Barangay ng Ransohan sa pamumuno ni Kapitan Ricardo Hernandez kasama ang hanay ng mga Barangay Kagawad at Barangay Health Association o BHA, ang nabanggit na mga kagamitan na handog ni Mayor Roderick Dondon Alcala.
Taus pusong nagpasalamat naman si Kapitan Hernandez sa ipinagkaloob na tulong na ito ng mag-amang Alcala, aniya malaking bagay ang tent para sa mga pampasaherong tricycle gayundin ang Medikal Kit upang mas mapaganda ang serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng kanilang lugar.
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga BHA ang naturang barangay, anila malaking tulong ang ipinagkaloob ni Kuya Mark Alcala at nagpasalamat rin ang mga ito kay Mayor Dondon Alcala sa walang sawang pagbibigay tulong sa serbisyong medikal.
Saya rin naman ang naramdaman ng mga miyembro ng Ransohan TODA sa ibinigay na oras ng anak ng Alkalde upang sila ay makadaupang palad.
Bilang panghuli, sinabi naman ni Kuya Mark Alcala na kung sakali naman may pangangailangan ang mga ito ay huwag mag-atubili na lumapit sa tanggapan ni Mayor Dondon Alcala upang mabigyan ng solusyon sa abot ng kanilang makakaya.
No comments