Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lalawigan ng Quezon, panglima sa may pinakamataas na bagong kaso ng Covid-19

by Henry Buzar December 22, 2020 Quezon Provincial Capitol (Photo from PNA) Dec. 9, 2020: Ang lalawigan ng Quezon ay nagpang-lima sa may mga...

by Henry Buzar
December 22, 2020


Lalawigan ng Quezon, panglima sa may pinakamataas na bagong kaso ng Covid-19
Quezon Provincial Capitol (Photo from PNA)



Dec. 9, 2020: Ang lalawigan ng Quezon ay nagpang-lima sa may mga bagong kaso ng COVID-19 base sa tala ng DOH ngayong araw na may bilang na 57. Sa kauna-unahang pagkakataon simula ng manalasa ang coronavirus sa Pilipinas ngayon lamang napasama ang lalawigan sa may mga mataas na bilang ng mga bagong impeksyon.

Samantalang patuloy ang pagragasa ni COVID sa Amerika, tumaas din ang mga kaso ng virus sa South Korea, HK at Japan. Mabuti na lang, nagsimula ng bakunahan ang mga Briton at maari rin namang sa unang apat na buwan ng 2021 at magsimula na rin ang pgbabakuna sa Pilipinas.



May ilang nagsasabi na hindi daw sila patuturok. Hindi naman sila tuturukan kapag ayaw nila sapagkat mga ilang milyong bakuna muna ang maaring “available” at uunahin ang mga frontliners, mga pulis at sundalong kasangkot sa pag-kontrol ng mga tao upang huwag maging pasaway kay COVID kasama na ang mga Senior-Citizens.

Kung sa susunod na buwan at mataas pa rin ang nadadagdag sa nagpopositibo sa virus sa lalawigan ng Quezon, maaring mauna ang lalawigan na padalhan ng gamot upang mabawasan ang pagdami ng tinatamaan nito.



Sa aking pagkukuro, lumalabas ang katanungan kung bakit pagkatapos nating matukoy ang nagpositibo at ikarantina sila may sumusulpot pa ring nakapang-hahawa. Ang kalimitang ginagawa natin kung may isang sisiw sa isang manukan na may sakit at natukoy na natin ang iba pang may mga maysakit, ihihiwalay na natin sila o ika-cull o susunugin o pwersahang papatayin at ibabaon ng sabay-sabay kagaya ng ginagawa natin sa ASF sa baboy. Sa coronavirus, mukhang may mali sa sistema natin o madaming pasaway na hindi iniuulat na may COVID-19 sila o marami ang asymptomatic na patuloy pang umuuli at naghahasik ng virus sa iba-ibang lugar.

Sa Korea na nagtala ng 686 na bagong impeksyon at pangalawang pinakamataas simula ng pandemya sa kanilang bansa sinabi ni Yoon Tae-Ho isang “health official” na maraming kaso na nakita sa mga kabataang Koreano na asymptomatic at “highly mobile” o kung saan nagpupupunta ang siya namang pangunahing nagkakalat ng virus at nagiging mahirap para matunton ang mga lugar na binisita nila.



Maaring ganoon din naman sa Pilipinas na marami marahil ang mga batang tinatamaan ngunit walang nararamdaman ang maaring nagkakalat ng virus sa ating komunidad katulad ng sa lalawigan ng Quezon at iba pang mga lalawigan. Dapat na mapag-aralang mabuti ito at gawan ng malalim na pananaliksik ng mga “health officials” ng bansa sapagkat kung may bakuna na nga ngunit patuloy naman ang panghahawa ng mga kabataan, hindi rin matitigil sa COVID-19 sa pagkalat sa bawat sulok ng komunidad.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.