by and Ruel M. Orinday December 5, 2020 Magkatuwang na namahagi ng mga makinaryang...
December 5, 2020
Magkatuwang na namahagi ng mga makinaryang pansaka at mga gamit pang-agrikultura sina DA Region 4A Regional Executive Director Arnel de Mesa at Quezon Gov. Danilo Suarez kamakailan na ginanap sa Quezon Convention Center. (Photo: Quezon PIO/caption: Ruel M. Orinday, PIA-Quezon) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunahan ni Department of Agriculture-4A Regional Executive Director Arnel de Mesa at Quezon Governor Danilo Suarez ang pamamahagi ng mga makinaryang pansaka at mga gamit pang-agrikultura sa mga magsasaka sa lalawigan ng Quezon sa isang programang idinaos sa Quezon Convention Center, sa lungsod na ito kamakailan.
Ayon kay Director de Mesa, kaisa at patuloy na sumusuporta ang Kagawaran ng Pagsasaka sa mga magsasaka sa lalawigan ng Quezon upang mapanatili ang mataas na ani.
“Sa pamamagitan ng mataas na ani ng ating mga magsasaka sa lalawigan ng Quezon, mas makilala din ang Quezon bilang food basket sa buong CALABARZON”, sabi pa ni de Mesa
Ayon sa Quezon Public Information Office, ang mga magsasaka na miyembro ng iba’t-ibang samahan ay kasama rin sa mga naapektuhan ng mga nakaraang bagyo sa lalawigan kaya patuloy ang pakakaloob ng tulong ng pamahalaang panlalawigan.
Ang pamamahagi ng mga mga makinaryang pansaka ay sinaksihan nina Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) Director IV Dr. Baldwin G. Jallorina; 3rd Dist. Rep. Aleta Suarez; 2nd Dist. Rep. David Suarez na kinatawanan ni District Officer Diony Rodolfa; Quezon Vice Gov. Samuel Nantes; Panlalawigang Agrikultor Roberto Gajo at iba pang opisyal ng lalawigan ng Quezon.
Dumalo rin sa okasyon ang mga punongbayan ng Agdangan, Candelaria at Guamaca, Quezon gayundin ang mga municipal agriculturists mula sa iba’t-ibang mga bayan sa lalawigan at mga grupo o samahan ng mga magsasaka na tumanggap ng farm machineries mula sa DA. (Ruel Orinday-PIA Quezon at ulat mula sa Quezon PIO)
No comments