by PIO Lucena/K.Monfero December 22, 2020 Kuya Mark Alcala LUCE...
December 22, 2020
Kuya Mark Alcala |
LUCENA CITY - Sa kabila ng pandemyang nararanasan ng buong bansa at maging ng buong mundo, hindi naman ito naging hadlang para sa pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick Dondon Alcala at panganay na anak nitong si Kuya Mark Alcala na ipadama sa mga mamamayang Lucenahin ang diwa ng papalapit na kapaskuhan.
At dahil dito kamakailan lang ay inimbitahan ang mga presidente ng Jeepney Operators Drivers Association o JODA at Tricycle Operators Drivers Association o TODA sa Lucena City Government Complex.
Kung saan dito ay pinagkalooban ni Kuya Mark Alcala katuwang si Ayan Alcala at ang ilang mga konsehal ang mga presidente ng nabanggit na asosasyon ng pamaskong handog na is ana rin umanong tulong sa kabila ng nararanasang pandemya.
Ang naturang gift packs ay naglalaman umano ng ilang grocery items tulad ng bigas, canned goods at iba pa.
Sa nasabing pamamahagi hindi pa rin naman ipinagsawalang bahala ng mga ito ang Health Protocols ng Local IATF kung saan napanatili pa rin ang pagsusuot ng facemask, face shield at matinding pag-obserba sa physical at social distancing.
Matapos naman ang pamamahaging nabanggit, kitang kita naman sa mata ng mga benepisyaryo ang itinatagong ngiti sa likod ng kanilang mga facemasks at kasabay ng mga ngiti nagbigay naman ng taos sa pusong pasasalamat ang mga ito sa lokal na pamahalaan lalo’t higit sa mag-amang si Mayor Dondon Alcala at Kuya Mark Alcala.
Bilang panghuli, nagbigay mensahe naman si Kuya Mark, bagama’t sinubok ang mga Lucenahin ngayong taon ng 2020, huwag pa rin aniyang kalimutan na kumustahin ang kalalagayan ng bawat isa, dahil ang pagmotivate umano sa kapwa ay isa na umanong magandang regalo sa panahon ngayon na may pandemya.
Hiling din ni Kuya Mark na sana ay nakatulong ang munting handog ng lokal na pamahalaan at sana rin ay malaki ang naiwang kasiyahan nito sa ibat-ibang sektor sa lungsod.
Patuloy pa rin naman ang naturang pamamahagi ng pamaskong regalo ng pamahalaang panlungsod para sa ibat-ibang sektor sa Lucena sa susunod pang mga Linggo.
No comments