Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga tupad sa Brgy. Barra, sinimulan na ang paglilinis sa kanilang lugar

PIO Lucena/EJ Bagnes December 27, 2020 LUCENA CITY - Bilang bahagi ng kanilang isasagawang pagtatrabaho sa ilalim ng programang TUlon...

PIO Lucena/EJ Bagnes
December 27, 2020


Mga tupad sa Brgy. Barra, sinimulan na ang paglilinis sa kanilang lugar



LUCENA CITY - Bilang bahagi ng kanilang isasagawang pagtatrabaho sa ilalim ng programang TUlong Panghanapbuhay para sa mga Disadvantaged/Displaced workers o TUPAD, nagsagawa ng paglilinis ang mga miyembro nito sa bahagi ng Barangay Barra kamakailan.

Dala ang kanilang mga gamit sa paglilinis tulad ng walis, pandakot at sako na paglalagyan ng mga basura, tinatayang mahigit na apat na daan ang mga kasapi ng nasabing grupo ang nakibahagi sa ginawang paglilinis sa kanilang lugar.



Sinimulan ng linisin ng mga ito ang tabing dagat na kung saan ay tumambak ang mga basura mula sa ibat-ibang barangay sa Lungsod, partikular na ang nasa poblasyon, na dala ng nakaraang mga pagbagyo.

Maging ang mga kalsada sa kanilang barangay ay nilinis rin ng mga ito upang maging kaaya-aya ito sa mga magtutungo sa kanilang lugar.



Bukod sa parte ng kanilang tungkulin bilang isang kasapi ng TUPAD, layon rin ng isinagawang paglilinis na ito ay mailayo ang kanilang mga kabarangay sa anumang uri ng sakit na maaring dala ng maruming kapaligiran.

Bagamat nakakaranas pa rin ng pandemya ang Lungsod, hindi naman ipinagsawalang bahala ng mga ito ang pagsunod sa ipinapatupad na health at quarantine protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing habang naglilinis ang mga ito.



Nagpasalamat naman si Kapitana Amelia ‘Amy’ Sobrevinas sa ginawang paglilinis ng naturang grupo dahil naging malinis at maayos ang kanilang lugar partikular ang baybaying dagat.

Isa aniyang magandang halimbawa ito upang mahikayat na rin ang iba pa nilang mga kabarangay na panatilihin ang kalinisan sa kanilang lugar upang mahikayat rin ang iba pang mga Lucenahin na magtungo dito.

Samantala, ang mga miyembro ng TUPAD ay ang mga nabigyan ng trabaho ng Department of Labor and Employment katuwang ang lokal na pamahalaan na kung saan ay pinapangasiwaan ito ng tanggapan ng Public Employment Service Office.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.