by Quezon PIO December 22, 2020 LUCENA CITY - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez kasama si ...
December 22, 2020
LUCENA CITY - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez kasama si Vice Governor Sam Nantes ang pinalawig na health coupon para sa mga Barangay mula sa bayan ng Candelaria at Sariaya nitong nakaraang araw ng Miyerkules, ika-9 ng Disyembre.
Kung kaya personal na nakasama ng grupo mula sa Provincial Government ang 25 mga Barangay Kapitan ng bayan ng Candelaria at 43 namang Barangay Captain ang tumanggap ng coupon sa bayan ng Sariaya.
Habang, labis naman ang pasasalamat ng Alkalde ng mga nabanggit na bayan sa hatid na tulong, serbisyo at programa mula sa Pamahalaang Panlalawigan gayon din ang pasalamat niya sa Ama ng Lalawigan dahil sa tuloy-tuloy na paglilingkod para sa ating mga kalalawigan.
Ibinahagi naman ni Vice Governor Nantes ang buong suporta sa mga programa at serbisyo para sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Quezon.
Samantala, sa mensahe ni Governor Suarez kanyang inihayag ang ilan sa mga programa at proyektong kaloob sa ating mga kalalawigan sa pakikipagtulungan sa iba't-ibang tanggapan gayon din ang pagpapaabot ng suporta sa sektor ng agrikultura. Nariyan din ang panawagan ng ibayong panalangin upang malampasan ang pagsubok na kinakaharap ng ating Probinsya.
Patuloy ang pagsuyod ng Ama ng ating Lalawigan sa iba't-ibang mga lugar sa ating Probinsya upang ihatid ang programang tugon para sa magkakaibang sektor ng sa ating Lalawigan.
No comments