by Quezon PIO December 27, 2020 LUCENA CITY - Tuloy-tuloy na inihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Sua...
December 27, 2020
LUCENA CITY - Tuloy-tuloy na inihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, Board Members Yna Liwanag, Dhoray Tan at mga dating bokal ng ika-apat na distrito ang mga programa at serbisyo para sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Quezon.
Kung saan unang tumulak ang grupo mula sa Provincia Government sa bayan ng Guinayangan upang personal na makasama ang mga Public School Teachers, Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Child Development Workers (CDW) upang ipagkaloob ang mga bond papers sa mga guro at early childhood care and development (ECCD) checklist sa mga CDW kalakip ang assistance na kanilang magagamit sa pangaraw-araw na gastusin.
Habang pormal na naipagkaloob sa Local Government Unit Guinayangan ang Philippine Rural Development Project (PRDP) worth 2.2M na budget na parsyal pa lamang mula sa nakatakdang 11M budget ng kanilang bayan.
Sunod namang binisita ni Governor Suarez ang bayan ng Tagkawayan upang ipamahagi pa rin ang kaparehong mga kaloob na programa para sa mga CDW, BNS, pampublikong mga guro at ang pinalawig na health coupon para sa mga barangay sa naturang bayan.
Bago pa matapos ang buong maghapon ay tumulak pa rin ang grupo ng ating Gobernador sa bayan ng Candelaria para pangunahan ang pagbibigay ng assistance sa ating mga masisipag na BNS at CDW na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaabot ng serbisyo para sa ating mga kababayan.
Patuloy naman ang pagpapakita ng suporta nina Vice Governor Nantes at mga Bokal na sina Liwanag at Dhoray Tan sa mga pagikot ng ating Gobernador upang maibaba ang mga programa sa ating mga kalalawigan.
Taos puso naman ang pasasalamat ng ating Gobernador sa mga mamamayan na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na mapaglingkuran ang ating Probinsya kasabay ng kanyang adhikain ng pagkakaloob ng mga pinalawig na programang tugon para sa iba’t-ibang sektor ng ating Lalawigan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mga programang suporta ng Provincial Government para sa ating mga kapwa Quezonian na tuloy sa pagharap sa makabagong normal dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 kasabay ng mga paalalang pagsunod sa mga pinatutupad na health and safety protocols sa ating Probinsya gayon din ng pagaalay ng panalangin upang ating sama-samang malampasan ang pagsubok na hinaharap ng ating Lalawigan.
No comments