by Nimfa Estrellado December 16, 2020 TAYABAS CITY - Tumanggap ng sertipiko ng pagkilala ang mga stakeholders mula sa iba’t ibang paaralan s...
December 16, 2020
TAYABAS CITY - Tumanggap ng sertipiko ng pagkilala ang mga stakeholders mula sa iba’t ibang paaralan sa Tayabas City sa isinagawang 2020 Virtual Education Summit Cum “Ika-5 Piging ng Pasasalamat” ng Tayabas Schools Division noong Disyembre 2, 2020, 8:30 ng umaga na pingunahan ni Superientendent Aniano M. Ogayon, Ceso V.
Ang nasabing event ay nabahagi ng live na stream sa Facebook Group ng DepEd Tayabas City Schools Division at tinelivised ng replay sa DepEd Tayo Tayabas City at Celebrity Channel.
Ayon kay Chief Education Program Supervisor for Schools Governance and Operation Division Edwin Rodriguez ang taunan Piging ng Pasasalamat Cum Education Summit ay kakaiba sa ngayon ang pamamaraan kumpara sa nakalipas na apat na taon ay sa kadahilanan ito ay kaalinsabay ng mas pinaigting na pag-iingat na ipinatutupad ng LGU Quezon dulot ng banta ng COVID-19
Ayon kay Joan Kathleen Brizuela, education program specialist II, ang programang isinagawa nila ay nasa ikatlong piging na pasasalamat para pasalamatan ang mga external at internal stakeholders.
“Locally, piging ng pasasalamat pero sa adopt-a-school program, siya ‘yong tinatawag na stakeholders recognition so taon-taon siyang ginagawa sa division ng Tayabas para pasalamatan ‘yong mga external at internal stakeholders na tumutulong upang magkaroon ng upgrading sa educational services and curriculum development sa division ng Tayabas City,” pahayag ni Brizuela.
Ayon pa sa kanya, mahalaga raw ang ginagampanan ng mga stakeholders sa kanilang lungsod.
“Napakahalaga po ng ginagampanan ng ating mga stakeholders sapagkat kung meron man pong pondo ang DepEd ito ay napupunta sa infrastructures at napupunta sa pasweldo and technically po pagdating sa school sa ating MOOE meron naman pong restriction kung saan lang siya pwedeng gastusin so dito po papasok ang ating mga stakeholders. Karamihan po ng ating school improvement services kagaya po sa amin ang amin pong strategic goals for 2019 is building healthy schools so ang ating mga stakeholders sa mga paaralan upang magkaroon ng handwashing area, gender segregated wash room.,” dagdag pa ni Brizuela.
Kaalinsabay ng pagdiriwang nito, isa ang Sentinel Times sa mga tumanggap ng gawad pagkilala mula sa Tayabas Schools Division dahil sa pagiging katuwang ng newspaper at news website nito bilang katuwang ng Tayabas Schools Division para sa paglilimbag ng balita.
Ang educational service program ng Sentinel Times at Tayabas Schools Division na “Campus Journalism” ay may layuning i-educate ang mga mag-aaral sa kampanya ng Tayabas Schools Division sa campus journalism.
Bukod pa rito, naging paraan din ang Sentinel Times upang mabigyan ng libreng training ang mga mag-aaral upang magpagkakatuto pa ang mga dapat ma-develop sa mga mag-aaral sa pagdating sa journalism.
Kinilala din ang Sentinel Times noong isang taon, na isa sa nagkapagkaloob rin ng 15000 piso sa Tayabas Schools Division sa pamamagitan ng inilunsad na Sentinel Times free training para sa Campus Journalism.
Samantala, ilan din sa mga binigyang parangal ang mga LGUs at iba pang stakeholders na mga katuwang ng Tayabas Schools Division sa pagpapanatili ng maayos na pagpapatakbo at pagpapanatiling maayos na edukasyon para sa mga kabataan.
Pinasalamatan din ng Tayabas Schools Division ang tuloy-tuloy na pagsuporta ng division stakeholders sa kanila at sa karatig nilang division.
No comments