Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Serbisyo at programa personal na inihatid ni Gov. Suarez sa mga mamamayan ng Alquerez

by Quezon - PIO December 19, 2020 LUCENA CITY - Personal na inihahatid ni Governor Danilo E. Suarez ang mga programa at serbisyo para sa ati...

by Quezon - PIO
December 19, 2020



Serbisyo at programa personal na inihatid ni Gov. Suarez sa mga mamamayan ng Alquerez


LUCENA CITY - Personal na inihahatid ni Governor Danilo E. Suarez ang mga programa at serbisyo para sa ating mga kalalawigan sa kabila ng ating patuloy na pagharap sa bagong normal kung kaya nitong nakalipas na araw ng Huwebes, ika – 10 ng Disyembere kaisa ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan at sina Vice Governor Sam Nantes at 4th District Board Member Dhoray Tan ay kanilang binisita ang mga isla ng Alabat, Quezon at Perez o tinatawag na ALQUEREZ.

Unang tumulak ang grupo nila Governor Suarez sa Quezon-Quezon upang ipamahagi ang pinalawig na health coupon para sa mga Barangay Kapitan na maaaring magamit ng kanilang mga kabarangay sa ilang mga pribadong pagamutan sa ating Lalawigan. Habang naipagkaloob naman ang mga assistance para sa mga Public School Teachers, Child Development Workers (CDW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).



Sunod namang binista ng grupo ng Provincial Government ang bayan ng Perez para maipamahagi ang assistance sa mga BNS, CDW at mga pampublikong mga guro kalakip ang mga bondpapers na kanilang magagamit sa paggawa ng module at tinanggap din ng Barangay Kapitan ang expanded health coupon para sa kanilang Barangay. Gayon din ay naipagkaloob ang 40 motorized fiber glass boat sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD at Pamahalaang Panlalawigan na lubos ang pasasalamat ng mga nabigyan ng tulong.

Samantala, personal ding nakita ni Governor Danny ang mga kalalawigan nating nakaligtas na lulan ng bangkang lumubog kamakailan sa karagatan ng Perez at ang mga anak ng isa sa nasawi sa naturang trahedya at ipinaabot ang munting tulong para sa kanila.



Bago magtapos ang buong maghapon ay tinungo ng ating Gobernador kaisa pa rin sina Vice Governor Nantes at Bokal Dhoray sa Alabat Island upang ipamahagi ang health coupons at maipagkaloob ang mga assistance para sa mga CDW, BNS at mga titser mula sa pampublikong paaralan na tuloy sa kani-kanilang tungkuling ginagampanan na katuwang ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay serbisyo sa bawat mamamayan ng ating Probinsya.

Labis naman ang pasasalamat ng mga Punong bayan sa dalang tulong, programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan para sa kanilang mga kababayan kaakibat ng patuloy na suporta sa kanila sa gitna ng Pandemya.



Sa mensahe nina Vice Governor Nantes at Board Member Dhoray kanilang ipinaaabot ang buong suporta at pakikiisa sa mga programa, serbisyo at tulong para sa ating mga kalalawigan na patuloy na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa gitna ng pagharap sa bagong normal.

Habang sa naging pananalita ni Governor Suarez kanyang ipinarating ang kanyang nais na pagpapalawig pa ng mga programang makatutulong para sa ating mga kalalawigan kasabay ng kanyang pasasalamat sa pagbibigay sa kaniya ng pagkakataon na mapaglingkuran ang ating mga kalalawigan. Nariyan din ang kanyang panawagan ng panalangin upang sama-sama nating malampasan ang pagsubok na kinakaharap ng ating Lalawigan.

Asahan pa ang mga programa, serbisyo at proyektong tutugon sa iba’t-ibang sektor ng ating Probinsya sa tulong at inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.