Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SIXTY-NINE (69)

by Henry Buzar December 28, 2020 Magasawang matanda. (Photo from PIXABAY) ...

by Henry Buzar
December 28, 2020

SIXTY-NINE (69)
Magasawang matanda. (Photo from PIXABAY)



Ito yong lifespan o haba ng buhay ng ordinaryong Filipino pamula 2005-69.10 hanggang 2011-69.92 sa isang projection na ginawa ng UN. Ngayong 2020, tumaas ng 2 taon ang average lifespan sa Pilipinas na merong 71.28. Ang Pilipinas ay pang-128 sa 191 na mga bansang ginawan ng survey ng Worldometer (life expectancy of the world population 2020). Ang mga kababaihang Filipino ay mas mahaba ang buhay ng 8 taon o nag-aaverage ng 75.92 edad kumpara sa mga lalaking Pinoy na may 67.67 average year na lifespan lamang. Samantala, apat (4) sa mga nangungunang bansa na mahaba ang life expectancy ay galing sa Asia: HK (1), Japan (2), Macao (3), at Singapore (5).

Bakit maigsi ang buhay ng mga Pinoy? Marahil sa maraming kadahilanan ngunit una na ay ang pagkain (unhealthy diet). Marami pa ring mga Pinoy ang mahilig kumain ng maalat. Halimbawa, mahilig tayo sa bagoong, patis at toyo. Sa almusal, madaming kanin at kokonting ulam, tuyong isda (hawot kung tawagin) ang ulam. Kukurot ng konting hawot na maalat at susubo ng isang katerbang kanin. Yong mga mahirap lalo na ngayong may pandemya, toyo lang ang pang-ulam at sa mga bata naman ay asukal lamang. Mahilig din tayo sa mga pagkaing mataas sa carbohydrates o mga pagkaing batay sa bigas (galapong) katulad ng puto, kutsinta, suman, sinokmani, at marami pang iba. May ipinakita pa sa isang video kuha sa “Mang Inasal,” na isang Pnoy ang omorder ng unli-rice at inihaw na manok na inaamoy-amoy lamang ang chicken nya at panay ang order ng kanin at pinapahiran lamang ng langis ng inihaw na manok ang kanin niya.



Sa buong Asia, ang Pilipinas lamang ang may malalaking tipak ng karneng baboy (adobo) litsong kawali at litson kumpara sa ibang bansa kagaya ng SK, Japan hanggang Vietnam na maliliit lamang ang tipak ng karne at maraming gulay at isda. Maisda rin manan sa Pilipinas at ang mga labis na suplay ay pinatutuyo at binubudburan ng sangkaterbang asin upang hindi mabulok at ang iba naman ay tinatapa (isa sa mga sanhi ng kanser). Marami din ang huli sa putok at iba pang ilegal na pamamaraan na maaring isa sa mga sanhi rin ng pagkakaroon ng maigsing buhay kung magkakaroon ng malalim na pananaliksik hinggil dito. Ikumpara natin sa Australia (pangwalong bansa na may mahabang buhay-83.94 ang average life span) ang mga nahuhuling isda ay pini-fellet at ibinababad sa tubig-dagat, tatanggalin ang tubig, ibabalot sa paper towel at saka ipriprito (hindi nilalagyan ng asin).

Tingnan naman natin ang pagkain ng Japan (pangalawa sa may pinakamahabang buhay-85.03 taon ang lifespan) kung saan may tinatawag na “Okinawan diet.” Sa Okinawa Japan na may pinakamaraming “centenarian” (mahigit na 100 daan ang edad) mapapansin ang mga matatanda na nagdudukal ng lupa sa kanilang mga garden, hinahaluan ng konting suka ang kanilang kanin, isda tatlong beses isang linggo, tofu, mga buong butil ng bigas, konbu seaweed, miso soup, kamoteng gapang at mga kinilaw na isda (sushi) ( Michael Booth 2013).



Sa France (pang-14 na may average age na 83.13) kahit malakas sa “red meat ang mga Pranses pinaniniwalaan na ang “red wine” ang kanilang susi ng haba ng buhay. Si Jeanne Calment, isang Pranses, namatay noong 1997 sa edad na 122 ay kilala bilang chocoholic, binubudburan ng olive oil ang kanyang pagkain at umiinom ng red wine araw-araw.

Sabihin na natin na mahalaga ang tamang nutrisyon at pagkain ngunit hindi ito lamang ang maaring magdala sa isang tao sa pagiging centenarian. Maaring ang pinakasusi dito ay ang ating DNA. Kung mahaba ang buhay ng mga ninuno at kamag-anak malaki ang tyansa na mahaba rin ang magiging buhay huwag lamang malulong sa masamang bisyo katulad ng alak, droga at iba pa. Ang kapaligiran ay isa ring kadahilanan kung bakit ang isang grupo ng mga tao ay humahaba ang buhay, katulad halimbawa sa Okinawa, Greek island of Ikaria at iba pang piling lugar na may magandang kapaligiran na nagpapahaba ng buhay. Isama na natin ang presensya ng mga moderno at mahuhusay na hospital at magagaling na mga doktor, pagiging relihiyoso (maraming mahahaba ang buhay na Pinoy ang kasapi at aktibo sa mga “religious organization”) kawalan ng problema sa pera at hindi pag-iisip ng mga suliranin sa buhay at pagiging babae. Ganon pa man, 30% ng paghaba ng buhay ay nakasalalay sa pagkain at maayos na diet na kasamaang palad ay mahina tayo kaya tumagal sa 69 lamang ang haba ng buhay nating mga Pinoy.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.