Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Payapang Daigdig

by Henry Buzar January 6, 2021 Ngayong Pasko, ating limiin ang pamaskong awitin na “Payapang Daigdig.” Binuo at isinulat ni Felipe Padilla ...

by Henry Buzar
January 6, 2021



Payapang Daigdig



Ngayong Pasko, ating limiin ang pamaskong awitin na “Payapang Daigdig.” Binuo at isinulat ni Felipe Padilla de Leon hinalaw sa awiting “Silent Night,” ang pagkakalikha nito ay binigyang inspirasyon ng katahimikan ng kamatayan at pagkasira pagkatapos ng labanan para sa Paglaya ng Maynila noong 1945 nang ang Perlas ng Silangan ay naging “pangalawang winasak na lungsod sa buong mundo.” Sa kantang ito, nasasalamin niya ang hangarin ng mga tao para sa pangmatagalang kapayapaan sa ating bansa.

Ang mga ilang liriko ng kanta: “Ang gabi’y payapa, lahat ay tahimik, pati mga tala sa bughaw na langit. Kay hinhin ng hangin, waring umiibig, sa kapayapaan ng buong daigdig. Payapang panahon ay diwa ng buhay, biyaya ng Diyos sa sangkatauhan,” ay isang paala-ala sa atin na, dapat nating alalahanin ang kapanganakan ng Panginoong Jesukristo, ngunit kaiba sa mga nagdaan nating selebrasyon kung saan maingay, puno ng saya at buhay.



Ngayon sa gitna ng pandemya, kinailangang obserbahan natin ang “Payapang Daigdig” at alalahanin natin at ipagdasal ang mga namatay na “health workers” at mga nasa unahan na lumaban (front liners) upang maisalba at maging ligtas tayo sa coronavirus at maipag-diwang natin ang Pasko ng 2020.

Mga tala sa bughaw na langit na naging piping saksi sa mga naglahong biktima ni COVID-19 na sa kasalukuyan ay umabot na sa 1.72M. Apat na daan at anim na po at apat (464) na libong tinamaan sa Pilipinas at pagbagsak ng napakaraming Ekonomiya sa buong mundo kasama na ang ating bansa.



“Kay hinhin ng hangin, waring umiibig,” mga hanging may dalang lungkot sa mga kapamilya ng tinamaan at nahawa ni COVD-19, hanging mapanganib sa makakalanghap na patuloy pa ring sinusuway ng iba nating mga kababayan na hindi sumusunod sa itinakdang “protocol”-nakikipagsiksikan sa Divisoria at sa Baclaran upang masunod lamang ang komersyalisasyon ng pasko para sa tao hindi para kay Jesukristo.

Mga paang nagdudumali upang may maibigay na regalo kahit na sa kasagsagan ng coronavirus. Ika nga, “aanhin mo ang isang maligayang pasko kung pagkatapos naman ay hahantong ka sa isang mapag-hamong krisis na hospitalisasyon hindi para sa iyo lamang kundi pati na rin ang mga mahal mo sa buhay.”



Ilang Pasko na ba ang lumipas, dumaan na naging masaya, nalungkot o nasorpresa tayo? Ilang Pasko na ba ang lumipas na hindi naman natin man lang naalala kung sino ang ipinagdiriwang natin sa kalasingan, sa halakhakan, sa malakas na tugtog at awit sa “karaoke machine.” Lahat na yon ay isang “throwback” na lamang.

Pansamantala muna nating palipasin ang Pasko ngayong taon kung saan abot-kamay na natin ang mga gamot sa susunod na unang bahagi ng taon at tuluyan nang mawala at maglaho ang pandemya. Ngayong Pasko, gawin nating payak, simple, makubuluhan at ligtas ang ating pagdiriwang. Pagkatapos nito, pasko na muli araw-araw at awitin muli natin ang Payapang Daigdig: “Payapang panahon ay magi muling diwa ng buhay, na siyang biyaya ng Diyos sa sangkatauhan.”

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.