by Henry Buzar January 26, 2021 Dalawampu't tatlong mga nakatatandang mamamayan ng Norway na nabakunahan ng bakunang Pfizer-BionNTech l...
January 26, 2021
Dalawampu't tatlong mga nakatatandang mamamayan ng Norway na nabakunahan ng bakunang Pfizer-BionNTech laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang namatay, ayon sa ulat ni Mav Gonzales sa "24 Oras Weekend.
Lumalabas na yong mga mahihinang matatanda ang siyang naapektuhan ng bakuna. Ang mga karaniwang masamang reaksyon ay maaring nakapag-ambag sa mga grabeng reaksyon at rason sa mga matatandang mahihina.
Asahan natin ang maraming lalabas na kontrobersiya sa bakuna laban sa covid-19 hindi lamang sa mga "side effect" nito kundi sa mahigpit na kompetisyon sa mga bansang nag-proproduce nitong mga bakunang ito. Tandaan natin na ang halaga nito ay trilyong dolyares at malaki ang demand nito at pwersahang ipagagamit sa atin dahil sa pandemya. Base sa aking naunang analisis, ang kontrobersiya ay kakambal ng malaking tubo sa gamot na ito.
Marami ang nagalit ng malaman na ang PSG ay nauna pa na gawing "guinea pigs" (mga dagang ginagamit sa eksperimento) kesa sa mga frontliners at health workers na naturukan ng bakuna. Hindi ba dapat tayong matuwa sapagkat nagvolunteer sila na maunang matest ng gamot na ito sa kanila mismo?
Sapagkat walang mga pondo ang mga mahirap na bansa at kailangan pang mag-negotiate sa mga higanteng pharma, hindi ba dapat lang upang makita natin kung anu-ano nga ang epekto nito sa mga naturukan na kagaya ng mga nabanggit na mga Norwegian kaya tama lang na mahuli tayo sa pagbili ng mga gamot na ito?
Lumalabas din sa mga ginawang pag-aaral na 40% lamang ang mga Pinoy na gustong magpabakuna kaya't hiniling ng NTF-COVID 19 na omorder lamang ng kalahati (50%)ang mga lalawigan siudad at mga bayan na may pondo para sa bakuna kung saan may available na bansa na maaring importahin nila na papayagan ng pamahalaan kung maaprobahan ito.
Isa lamang ang sigurado dito, ang kontrobersiya na maaaring dumikit sa mga bakunang ito habang umuusad ang panahon ngunit tandaan natin na ang pinaka-layunin lamang nito ay makontrol ang pandemya at magkaroon ng tinatawag na "herd immunity" sa mapanganib na virus na ito. Kung maingat ka, hindi muna kailangan sigurong magpaturok ngunit kung kasama mo ito sa trabaho kagaya ng mga "health workers" ay "forced to good" ka sigurado dito.
No comments