by Rosario PIO January 16, 2021 ROSARIO, Cavite - Utas ang isang lalaki na umano’y tulak ng droga at kawatan ng mga motorsiklo matapos umano...
January 16, 2021
ROSARIO, Cavite - Utas ang isang lalaki na umano’y tulak ng droga at kawatan ng mga motorsiklo matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation.sa Rosario Cavite.
Kinilala ang napatay na si Arcie Surin alyas RC nasa hustong gulang,lalaki, may kinakasama, walang trabaho, at naninirahan sa Brgy Wawa 2, Rosario, Cavite.
Alinsunod sa PNP’s Anti-Illegal Drug Campaign, noong ika-11 ng Enero 2021, bandang 7:00 ng gabi sa Bargy Sapa III, Rosario Cavite, ikinasa ng Rosario Police -Station Drug Enforcement Unit (SDEU) base sa direktiba ni PLTCOL JOEWIE BANTOTO LUCAS, Chief of Police ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkasawi ng target na suspek.
Isa sa mga pulis ang nagpanggap na poseur-buyer at iniabot sa suspek ang P500 marked-money subalit nang malaman ni Surin na pulis ang katransakyon ay agad itong bumunot ng baril at ipinutok sa pulis at agad gumanti ng putok ang operatiba na agad namang ikinamatay nito.
Agad naman humingi ng assistance ang mga operatiba sa SOCO Imus sa pangunguna ni PMAJ FERNANDO PERILLA JR. para sa tamang pagpoproseso ng pinangyarihan.
Narekuber sa crime scene ang isang (homemade paltik) without serial number loaded with four (4) pcs live ammunitions, isang (1) piraso ng fired cartridge na gianamit ng suspek, two (2) pcs empty shell of calibre 9mm ammo, isang piraso(1) ng itim na coin purse na may lamang 17 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu,isang piraso ng dusted buy-bust money na nagkakahalagang limang daang piso ( 500.00) at pera na may halagang Php 250.00.
Napagalaman na ang suspek ay aktibong myembro ng Bautista Criminal Group at sangkot sa pagnanakaw ng motor at robbery hold up sa Rosario, Cavite at kalapit bayan nito.
Samantalang ang bangkay ng biktima ay dinala sa Hands to Heaven Tanza, Cavite for Autopsy (Deceased).
Kasong paglabag sa R.A. 9165 at RA 10591 ang isinampa ng mga operatiba laban sa suspek.
No comments