by Quezon – PIO January 30, 2021 2nd District Cong. David “Jayjay” Suarez (Photo f...
January 30, 2021
2nd District Cong. David “Jayjay” Suarez (Photo from Quezon PIO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tuloy-tuloy na ipinamamahagi ang Tulong Pangkabuhayan para sa Disadvantaged / Displaced Workers o TUPAD program sa mga kababayan natin mula sa ikalawang distrito ng Lalawigan na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya dahil sa pagsasara ng ilang mga industriya na kanilang pinagta-trabahuhan.
Kung kaya sa pagtutulungan ng Department of Labor and Empolyment o DOLE-Quezon at tanggapan nina 2nd District Cong. David “Jayjay” Suarez ay patuloy itong naipagkakaloob sa mga benepisyaryo ng naturang programa.
Kung saan sa bayan ng Sariaya at Lungsod ng Lucena personal na binista ng grupo ni Cong. Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, 2nd District Board Member Yna Liwanag at Former Bokal Atty. Bong Talabong ang naturang mga beneficiaries.
Habang sa mensahe nina Vice Governor Nantes at Bokal Liwanag ay naibahagi nila ang ilan sa mga programang isinagawa at tuloy –tuloy na inihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan na tugon sa iba’t-ibang sektor nito kasabay ng kanilang pagpapaabot ng palagiang suporta para dito.
Sa mensahe naman ni Kuya Mark Alcala na kumatawan kay Lucena City Mayor Roderick “Don-don” Alcala bagamat nariyan ang pagsubok na hinaharap ng mga residente ng Lungsod na mas lalo aniya nagpapatibay sa kanila kailangan pa rin ang patuloy na pagsunod sa mga pinaiiral na health safety protocols upang labanan ang banta ng COVID-19.
Samantala, sa naging pananalita ni Cong. Suarez kanyang ibinahagi na hindi siya titigil na lumapit at makipagugnayan sa mga Nasyunal na ahensya upang madala ang mga programang kailangan sa segunda distrito upang maibsan ang ilan sa mga suliranin ng kanyang mga kababayan.
Sa ngayon ay hindi tumitigil ang Provincial Government sa paggawa ng mga hakbang upang maipagaloob ang tulong, serbisyo at programang kailangan ng ating mga kababayan lalo na ngayong nariyan pa rin ang banta ng virus sa ating Lalawigan.
No comments