Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Cash assistance, bond papers ipinamahagi sa mga public school teachers sa Quezon

by Ruel Orinday February 9, 2021 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Namahagi ng cash assistance at mga bond papers ang pamahalaang panlalawigan ng ...

by Ruel Orinday
February 9, 2021



Cash assistance, bond papers ipinamahagi sa mga public school teachers sa Quezon


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Namahagi ng cash assistance at mga bond papers ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa mga public school teachers sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez Complementary Assistance and Response for Education Sector (CARES).

Ang pamamahagi ng cash assistance at mga kahong-kahong bond papers na magagamit ng mga guro sa paggawa ng modules ay pinangunahan ni Quezon Governor Danilo Suarez noong Pebrero 4 sa Quezon Convention Center.



Sa okasyon, ibinalita ni Governor Suarez ang mga programa at proyektong ipinaabot para sa mga kalalawigan niya gayundin ang kaniyang pagpapahalaga sa importanteng ginagampanan ng mga guro na silang humuhulma sa kalinangan ng mga kabataan.

Ayon sa Quezon Public Information Office, ito aniya ay bilang pagtupad sa patuloy na pagtulong sa mga guro sa lungsod ng Lucena sa kabila ng kanilang pagsusumikap na magawa ang kanilang tungkulin sa gitna ng nararanasang pandemya.



Katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa programang ito si Lucena City Youth Ambassador Kuya Mark Alcala na kumatawan kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala

Dumalo din dito sina Schools Division Superintendent (SDS) Hermogenes “Jimmy” Panganiban at Assistant Schools Division Superintendent Gerlie Ilagan.



Sinabi nina SDS Panganiban at Assistant SDS Ilagan, na labis ang kanilang pasasalamat sa suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga pangangailangan ng kagawaran ng edukasyon lalo na ngayong pandemya gayon din ang pagkakaroon ng puso ni Governor Suarez na makatulong.

Samantala, nagpaabot naman ng pagkilala si Kuya Mark sa mga guro dahil sa kanilang mga sakripisyo para sa kinabukasan ng Lungsod ng Lucena habang nagpahayag naman ng pagkilala at papuri si Quezon Vice Governor Samuel Nantes sa mga guro dahil sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa kabila ng pandemya.

Ayon kay Nantes, mas lalo niyang na-appreciate ang mga guro lalo na ngayong panahon ng pandemic dahil sa kakaibang pamamaraan ng pagtuturo ngayon. Aniya, lalong nakita ang mga sakripisyo ng mga guro kaugnay nito ang kanyang labis na suporta sa mga programang kaloob para sa iba’t-ibang sektor sa probinsya.

Matapos ang aktibidad na ito, ipinagkaloob naman sa Barangay Ibabang Dupay ang isang unit ng rescue vehicle na mula sa pagtutulungan nina Alona Partylist Representative Anna Villaraza – Suarez, 2nd District Congressman David “Jay-Jay” Suarez at ama ng lalawigan, Danilo E. Suarez. (Ruel Orinday-PIA Quezon at ulat mula sa Quezon PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.