by PIO Lucena February 2, 2021 Lecturer Team ng C.A.R.E (Photo from PIO Lucena) LUCENA CITY - Upang magbigay kamalayan hinggil sa nananatili...
February 2, 2021
Lecturer Team ng C.A.R.E (Photo from PIO Lucena) |
LUCENA CITY - Upang magbigay kamalayan hinggil sa nananatili paring banta ng coronavirus disease 2019, isinagawa ang Coronavirus Awareness Response And Empowerment o CARE Infodemic Drive sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng Lucena.
Sa ilallim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Romulo Albacea, pinangunahan ng kwerpo ng kapulisan ng lungsod sa pangunguna ng Lecturer Team ng C.A.R.E ng naturang himpilan ang pagsasagawa ng infodemic drive.
Naging katuwang ng kapulisan ang bawat Punong Barangay upang matagumpay na maisakatuparan ang aktibidad na siyang dinaluhan ng mga opiysales ng barangay at mga piling grupo ng kababaihan na ginanap mismo sa bawat bulwagan ng iba’t-ibang barangay.
Dito ay tinalakay ang kahulugan at pinanggalingan ng covid-19, kasalukuyang estado ng lungsod at ng bawat barangay hinggil sa kaso ng naturang virus, at ang mga hakbang sa pag-iwas dito base parin sa guidelines na atas ng Department of Health, Department of Interior and Local Governtment at ng Inter-Agency Task Force.
Gayundin ang pagpapaalala ng mga ito sa bawat Lucenahin sa pagsunod sa City Ordinance Number 2729 na nagsasaad ng pagsunod sa minimum health protocols kagaya ng pagsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay at tutungo sa pampublikong lugar, at pagsunod sa isang metrong physical distancing.
Ayon sa kapulisan, ang pagtungo mismo sa bawat barangay sa Lungsod ay isa sa kanilang hakbangin upang makamit ang maximum na pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa naturang sakit.
Sa pagtatapos naman ng bawat drive ay isinagawa rin ang distribusyon ng relief goods, health kits at sertipiko sa bawat isang dumalo sa naturang aktibidad.
No comments