by Henry Buzar February 9, 2021 Ang COVID-19 pandemic ay malaki ang naitulong upang maging mas lumawak ang kamalayan natin sa mga parating p...
February 9, 2021
Ang COVID-19 pandemic ay malaki ang naitulong upang maging mas lumawak ang kamalayan natin sa mga parating pang ibang mas mapanganib na viruses na maaring kaharapin ng mundo.
Ang mga “zoonotic diseases” o mga sakit na nanggagaling sa mga hayop ay tinataya ng mga eksperto na may bilang na humigit-kumulang na 700,000 at ang iba ay hindi pa natin alam kung anong klaseng sakit ang maaring dalhin nito. Sa kasalukuyan meron tayong natukoy na mga viruses katulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) , Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), West Nile Virus, Birds flu, Plague, Salmonellosis, Rabies, Brucellosis, Lyme disease at iba pa.
Walang katotohanan na ang mga paniki ay isang “transformer” na maaring maging si Dracula ngunit may katotohanan na maaring kumitil ang mga viruses na dala-dala ng isang paniki sa mga tao. Halimbawa, ang fruit bats ay siyang host ng nipah virus. Noong 1998-1999, sa Malaysia at Singapore kung saan ang nipah virus ay kumalat, napag-alaman ng mga seyintipiko na nakuha ang encephalitis (pamamaga ng utak ng tao) sa mga may sakit na baboy na ikinamatay ng 39 na porsyento sa mga tinamaan nito sa Sungai, Nepah Village. Napg-alaman din na ang virus na humawa sa mga baboy ay galing sa mga pagkaing nahuhulog sa mga paniki na siya naming nakain ng mga baboy na nagkasakit at humawa naman sa mga tao. Ganito din naman ang hinala ng mga siyentista sa nangyari sa Wuhan kung saan ang coronavirus ay hinihinalang nanggaling sa mga kinarneng paniki.
Ang Birds flu (H5N1 virus) siempre ay galling sa mga ibon kasama na ang mga ibang may pakpak katulad ng manok at bibe. Ang plague ay ikinalat ng mga daga, ang West Nile virus naman ay ikinakalat din ng mga ibon at lamok. Ang rabies ay alam natin na nanggagaling sa aso at pusa at maari rin sa laway ng isang tao na maaring palaging kahalikan ng mga aso at pusa.
Ang MERS naman ay pinangangambahan din na pagsimulan ng susunod na pandemic. Ang coronavirus ng MERS ay mas mapanganib at mas 10 beses na nakamamatay kaysa COVID-19. Ang pinanggagalingan ng MERS ay ang mga kamelyo. Hindi naman nakikipaghalikan ang mga tao sa kamelyo ngunit kung ang isang kamelyo ay may coronavirus, maari niyang mahawahan ang mga taong nakasama nito kunyari mga may-ari ng mga kamelyo at tagapag-alaga nito. Nadiskobre ang MERS sa Saudi Arabia noong 2012 at noong 2016, ang WHO ay natukoy ang 1,761 kumpirmadong mga kaso na ginawa sa mga laboratoryo at 629 na namatay sa sakit na ito. Kaya naman sa Kenya na may 3M kamelyo halos lingo-linggo ay kumukuha ng sample sa mga kamelyo at sa mga taga-alaga nito.
Marami ng mga kamelyo ang ipinalit sa mga baka at ibang livestock sa kadahilang pagbabago sa klima gawa din ng mga tao (ang mga baka at tae nila ang isa sa mga pangunahing nagdudulot ng greenhouse gasses emission by livestocks) sa kanilang pag-gamit ng mga makinarya na ginagamitan ng diesel, coal plants aibp na nagdulot ng mahabang tag-init (global warming). Ang mga baka at iba pang mga hayop ay hindi makatagal sa init at namamatay dahilan upang magpalit ng mga hayop ang mga tao sa Saudi Arabia, Asia at Africa at kamelyo nga ang kanilang napili sapagkat pwede silang mabuhay ng walang tubig kahit isang lingo.
Mapapansin din na ang mga bansang nag-aalaga ng mga kamelyo ay mahihirap na bansa at mahihirap din ang mag nagmamay-ari at nag-aalaga nito. Kaya mas mahirap pigilin kung magkakaroon ng pandemya na magsisimula sa mga bansang ito.
Ang COVID-19 ay isang praktis sapagkat ang mga siyentipiko na nag-aaral, kumukuha ng mga sample sa mga kamelyo, sa mga ibon, paniki at iba pang posibleng pagsimulan ng susunod na pandemya ay nagkaroon ng mga leksyon kay COVID at sa ganoon ay nagbago ang kanilang mga PPEs, mga paraan ng pag-test at pagkuha ng mga laway sa mga hayop na ito ay naging makabago.
Salamat din siguro kay COVID na sa susunod na pandemya, alam na alam na ng mga siyentipiko at mga eksperto kung anong gagawin nila kasama na rin siempre ang publiko. Ang mahirap lang ay kung anong klaseng gamot naman ang dapat madiskubre upang gamutin ang mga sakit na ito.
No comments