by Quezon - PIO February 2, 2021 60 fiberglass boat na ipinagkaloob. (Photo from Quezon - PIO) LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Naipagkaloob ang...
February 2, 2021
60 fiberglass boat na ipinagkaloob. (Photo from Quezon - PIO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Naipagkaloob ang 60 fiberglass boat na may kasamang marine engine sa mga mangingisdang benepisyaryo ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Sustainable Livelihood Program (SLP) sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Mauban nitong nakaraang araw ng Martes, ika-26 ng Enero na isinagawa sa Barangay Cagbalete I, Mauban, Quezon.
Habang naihandog rin ang nasa 100,000 halaga ng Livelihood Assistance Grant (LAG) para sa mga kalalawigan nating lubos na naapektuhan ang kabuhayan dulot sa pandemya gayon din ay naibigay ang cash allowance ng mga recipient ng fiberglass boat na sumailalim sa naturang pagsasanay na nagkakahalaga ng P4,125.
Sa mensahe ni Mauban Mayor Marita Llamas kanyang ibinahagi na isa ang kanilang bayan sa maswerte pagkat ang kanilang mga munting kahilingan ay naipagkakaloob sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan marahil na rin aniya sa magandang relasyon o samahan at kooperasyon ng mga nanunungkulan.
Ibinahagi naman ni G. Jayson Coronacion ang Provincial Program Coordinator – SLP ng DSWD kung paano nagsimula ang ideyang ito ng programa na bukod sa layunin na pagbibigay ng daan sa kabuhayan ng ating mga kababayang mangingisda at dagdag kaaalaman sa kanila dahil sa pagkatuto ng paggawa ng fiberglass boat.
Sa pananalita naman ni Atty. Joanna Suarez ang KALIPI – Quezon Chapter President na kumatawan kay Governor Danilo E. Suarez kanyang ibinahagi ang kahalagahan ng pagsailalim sa pagsasanay ng paggawa ng naturang fiberglass boat gayon din ang magandang dulot ng paggamit nito sa pagpapalaot.
Samantala, sinisiguro naman ng Pamahalaang Probinsyal na tuloy-tuloy na maihatid ang mga serbisyo, proyekto at programa para sa ating mga kalalawigan ngayong ang lahat ay humaharap sa hamon ng makabagong normal.
No comments