by PIO Lucena/Josa Cruzat February 2, 2021 LUCENA CITy - Pinarangalan bilang Best Disrtict Jail para sa ika-apat na quarter ng taong 2020 a...
February 2, 2021
LUCENA CITy - Pinarangalan bilang Best Disrtict Jail para sa ika-apat na quarter ng taong 2020 ang Lucena City District Jail Male Dormitory kamakailan.
Ang naturang karangalan ay nakapailalim sa Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE Committee ng Bureau of Jail Management and Penology CALABARZON.
Maliban dito ay nasungkit naman ni JSINSP Hansel Kiwang ang karangalan bilang Best District Jail Warden sa kaparehas din na patimpalak.
Labis naman ang naging katuwaan ng pamunuan ng BJMP Lucena Male Dormitory sa ilalim ng pangangasiwa ni JINSP Edgardo Pelaez dahil sa gantimpalang nakamit ng piitan.
Aniya, isang karangalan para sa piitan ang hirangin bilang Best District Jail dahil repleksyon ito ng magandang pamumuno at pangangalaga sa mga Persons Deprived of Liberty na nasa kanilang piitan.
Ang mga karangalang natamo ng naturang piitan at ng mga tauhan nito aniya ay nagpapatunay lamang ng dedikasyon sa trabaho na ipinapakita ng mga ito na siyang naging dahilan tungo sa katagumpayan.
Hangad lamang aniya ng buong pamunuan ng BJMP Lucena Male Dormitory ang serbisyo publiko na kanilang sinumpaang tungkulin kasabay ng pagpapanatili ng kaligtasan ng mga PDL na nasa kanilang pangangalaga.
Samantala, ang mga nabanggit na karangalan na natamo ng naturang piitan ay kabilang sa Best of the Best para sa ikaapat na quarter ng taong 2020 na siyang pinangasisiwaan ng BJMP Calabarzon.
No comments