by PIO Lucena/K.Monfero February 2, 2021 LUCENA CITY - Kamakailan lang ay bumisita ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa lun...
February 2, 2021
LUCENA CITY - Kamakailan lang ay bumisita ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa lungsod upang magbigay ng financial assistance sa mga Lucenahing OFW.
Sa pakikipagtulungan ng Public Employment and Service Office o PESO sa pangunguna ng hepe nito na si Ms. Cristina Encina, nabibigyan ng ganitong klase ng programa ang mga Lucenahin.
Ayon kay Encina, ilan lang ito sa mga programa at tulong pinansyal na ipinagkakaloob sa mga mamamayan ng Lungsod.
Kabilang na nga sa mga naturang programa ang Project Alalay sa Pag-aaral o (PAP) kung saan nakatanggap ng 3 ang naging benepisyaryo ng dalawampung libong piso (P20,000).
Isa naman mula sa Balik-Pinas Balik Hanapbuhay Program (BPBH) na nagkakahalaga rin ng dalawampung libong piso (P20,000)
Gayundin ang tatlong benepisyaryo para sa Welfare Assistance Program (WAP) habang isa naman ang nakatanggap ng walong libong piso (P8,000) para sa Educational and Livelihood Assistance Program. (ELAP)
Dagdag pa ni Encina, para sa mga nagnanais na magkaroon ng kaparehong benepisyo mangyaring mag-apply lang via online sa OWWA website ang mga documented OFWs o bisitahin ang tanggapan ng nasabing ahensya sa opisina ng Department of Labor and Emlpoyment o DOLE sa Grand Central Terminal.
Samantala, dumalo rin sa naturang aktibidad si Mayor Roderick Dondon Alcala kung saan nagbigay ito ng mensahe.
Pinasalamatan nito ang OWWA sapagkat nabibigyan ng ganitong klaseng programa ang mga Lucenahin particular na ang mga OFWs.
Hinikayat din naman ng alkalde ang mga naging benepisyaryo na gamitin sa wasto ang natanggap na financial assistance.
Bilang panghuli, taos sa pusong nagbigay pasasalamat ang labing isang 11 Lucenahing OFW sa nasabing tanggapan pati na rin sa City Government of Lucena lalung lalo na kay Mayor Dondon Alcala para sa ipinagkaloob sa kanilang tulong pinansyal.
No comments