by PIO Lucena/EJ Bagnes February 22, 2021 Patuloy sa isinasagawang monitoring ang mga tauhan ng City Agriculture Office upang mapangalagaan ...
February 22, 2021
Patuloy sa isinasagawang monitoring ang mga tauhan ng City Agriculture Office upang mapangalagaan ang ‘Mangrove Rehabilitation Project’ sa bahagi ng Barangay Talao-talao.
Kamakailan ay nagtungo sa nabanggit na lugar sina City Agricultural Technologist Nikko Bautista at City Agriculturist Nika Cabana kasama ang tauhan ng Bantay Dagat upang tiyakin na napapangalagaan ng mabuti ang mga itinanim na mangrove sa lugar na ito.
Tinatayang aabot na sa 50,000 mangrove propagules ang inaalagaan ng mga ito katuwang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ang mga mangingisda ng naturang barangay.
Ayon kay City Technologist Niko Bautista, nagkakaroon ang kanilang opisina na palagiang pag-momonitor sa mga lugar na sakop ng proyektong ito upang tiyakin ang paglaki at pagdami ng mga bakawan dito.
Aniya, layunin ng programang ito ay magkaroon ng tirahan ang mga isda at iba pang mga lamang dagat gayundin ay magsisilbing panangga ang mga bakawang ito tuwing magkakaroon ng kalamidad.
Dagdag pa Bautista, malaking tulong rin ang mga pananim na ito, kung saan ay tinatawag rin itong filter pollutant.
Ipinaabot naman ni City Agriculturist Officer Melissa Letargo ang panawagan sa mga Lucenahin na tulungan ang kanilang tanggapan na maprotektahan ang mga bakawan sa kani-kanilang lugar.
Samantala, mayroon limang ektaryang lupa na nakalaan sa Lucena para sa Mangrove Rehabilitation Project at binubuo ito ng; Barangay Talao-talao, Mayao Castillo, Mayao Parada, Dalahican, Barra at Ransohan.
No comments