by Quezon - PIO February 2, 2021 Governor Danilo E. Suarez at Mark Alcala (Photo from Quezon - PIO) LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunah...
February 2, 2021
Governor Danilo E. Suarez at Mark Alcala (Photo from Quezon - PIO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez ang pamamahagi ng assistance sa mga Child Development Worker (CDW) ng Lungsod ng Lucena na dating tinatawag na Day Care Worker na ginanap sa Quezon Convention Center nitong araw ng Miyerkules, ika-27 ng Enero.
Kaisa ni Governor Suarez sa naturang aktibidad sina Kuya Mark Alcala na kumatawan kay Lucena City Mayor Roderick “Don-Don” Alcala, Provincial Social Welfare and Development Head (PSWDO) Sonia Leyson at City Social Welfare and Development Head (CSWDO) Malou Maralit.
Sa naging mensahe ni Mam Leyson at Mam Maralit kanilang binigyang pansin ang ilan sa mga ginagawang tungkulin ng mga CDW na kanilang kaagapay sa pagtalima kung may mga sama ng panahon sa ating Probinsya kasabay nito ang pagbibigay sa kanila ng ilang mga programang nakalaan para sa kanila.
Habang sa mensahe ni Kuya Mark kanyang binigyang importansya ang mga ginagampanan ng mga CDW maging ngayong panahon ng pandemya kaakibat ng paalala ng ibayong pagiingat para sa patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19.
Samantala, sa naging pananalita ni Governor Danny Suarez ibinahagi niya ang mga serbisyo at proyektong kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan na tugon sa kailangang suporta ng ating mga kababayan gayon din ang mga hatid na balita kaugnay sa mga nakatakdang programang pangkalusugan para sa ating mga kalalawigan.
Bukod sa cash assistance para sa 55 CDW ng Ciudad ng Lucena ay naipamahagi rin ang nasa 3,500 na piraso ng Early Chuldhood Care and Development (ECCD) Checklist na kani-kanilang magagamit sa kanilang patuloy na pagtupad sa kanilang mga tungkulin kasabay ng pagharap sa makabagong normal.
No comments