Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Price cap o price ceiling, hindi magandang desisyon

by Henry Buzar February 17, 2021 Itong desisyon ng Pangulong Duterte ang hindi katanggap-tanggap sa akin bilang isang Ekonomista. Ang Pangul...

by Henry Buzar
February 17, 2021



Price cap o price ceiling, hindi magandang desisyon





Itong desisyon ng Pangulong Duterte ang hindi katanggap-tanggap sa akin bilang isang Ekonomista. Ang Pangulo ay nag-isyu ng isang EO 124 upang magkaroon ng limit sa presyo ang karneng baboy sa halagang Php270 at Php160 naman sa presyo ng karneng manok sa loob ng dalawang buwan sa Metro Manila hindi kasama ang mga Malls. Maaring ang sigaw at reklamo ng mamimili ang nag-udyok sa Pangulo upang mag-pataw ng “price cap o price ceiling” sa presyo ng baboy at manok ganon din naman sa ginawang rekomendasyon ng House Committee on Agriculture na pinasinungalingan naman ng Senado na arbitrary ang pagdedeklara nito at hindi naman ipinaalam sa kanila ni Sec, Dar. Ayon naman kay DA Sec Dar, ang pagkonti ng suplay dulot ng ASF at mga nagdaang kalamidad ang siyang dahilan upang bumaba ang suplay ng baboy sa pamilihan samantalang hindi naman dapat maapektuhan ang presyo ng manok sa kadahilanang marami pa rin ang suplay nito.

Bakit hindi maganda ang price cap o price ceiling? Ang price ceiling ay ang sistema kung saan itinakda ng pamahalaan ang maaring maging pinaka mataas na presyo ng isang bilihin. Kung titingnan ang imahe sa Table 1, lalabas na kapag tumaas ng demand sa karneng baboy (Do to D1) , at parehas pa rin ang suplay (S) o pakonti ang suplay magkakaroon ng “shortage” o kakulangan sa karneng baboy at tataas ang presyo mula sa Php 300 paakyat sa Php 400.



Hanggat hindi nadadagdagan ang suplay patuloy na tataas ito. Kong susuriin ang imahe, ang suplay ay halos nakapako sa 5M kilos samantalang ang demand naman ay nasa 8M kilos, ibig sabihin may kakulangang 3M kilo ng baboy. Dapat kung tumalon ang Demand mula sa Do papuntang D1 dapat Php 400 na ang presyo ng karneng baboy ngunit sa pamamagitan ng “price cap” ay imimintina ang presyo sa Php 300/kilo.

Maganda ba ito sa Ekonomiya? Kung titingnan natin sa Table. 1, ang price cap ay maganda sa mga komukonsumo ng karneng baboy ngunit talo naman ang mga suplayer o traders sapagkat kong ang tubo nila kada kilo ay Php50 sa baboy na nabibili sa kanila, bababa at mawawalan sila ng tubo at debalde pa ng Php50 (400-300) kung ang presyo ay ipapako sa Php 300.



Kung magkagayon, lalong mababawasan ang suplay at magkakaroon ng black market. Sa black market naman, maaring ang mga itindang baboy ay tinamaan ng ASF, double kill at iba pang pagkukunang ilegal. Mawawalan din ng insentibo ang mga hog raisers sa kadahilanang pinigil ang presyo at apektado ang kanilang mga tubo. Sa pangmatagalan, malaki ang epekto nito sa mga hog raisers at traders kung talagang wala namang manipulasyon sa merkado o ceteris paribus.

Sapagkat anim na buwan lamang naman ang itatagal ng price cap, maaaring lumabas ang mga ganitong bagay: 1) Bumaba ang presyo sa MM ngunit tataas naman sa mga probinsya sapagkat hindi naman sila kasama sa “price cap.” 2) Magkakaroon ng glut o dadami ang suplay ng karneng baka at iba pang katulad na karne sa mataas ding halaga sapagkat may pagkukulang sa suplay ng baboy. 3) Maaari ding mas magdulot ito ng “inflation” o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa kadahilanang maghahanap tayo ng mas murang kapalit ng baboy kaya’t tataas ang demand natin sa mga ito. Kapag tumaas ang demand natin sa mga ibang kapalit na karne, gulay o isda, siempre maaaring may mag-hoard o magtago ng mga produkto upang tumaas ang presyo sa ganong paraan ay mahirap ng makontrol ang paglobo ng presyo ng ibang bagay.



Ano ang solusyon dito? Mas makabubuting mag-angkat pangsamantala ng karneng baboy hanggang makabawi ang mga hog raisers at mga livestocks sa mga namatay na baboy dahil sa ASF at iba pang kalamidad. Ang price cap o price ceiling ay hindi kaaya-ayang solusyong pang-ekonomiko at karamihan sa mga bansang gumagamit nito ay para lamang sa mga basic utilities katulad ng tubig, koryente at iba pa na may share ang pamahalaan sa pagmamay-ari nto.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.