by Quezon – PIO February 17, 2021 LUCENA CITY - Dinaluhan ni Governor Danilo E. Suarez ang isinagawang pagpupulong at konsultasyon ng mga Ba...
February 17, 2021
LUCENA CITY - Dinaluhan ni Governor Danilo E. Suarez ang isinagawang pagpupulong at konsultasyon ng mga Barangay Kapitan mula sa bayan ng Gumaca na isinagawa sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena nitong ika-11 ng Pebrero.
Kaisa sa aktibidad na ito ay si Mayor Webster Letargo at Sangguniang bayan ng Gumaca layon nito na mas mapaganda pa ang pagbibigay ng serbisyo at tulong para sa ating mga kababayan.
Gayon din ay naipagkaloob para sa mga Barangay Kapitan ang pinalawig na health coupon na maaari nilang maipagkaloob sa kanilang mga ka-barangay na sadyang nangangailangan ng tulong pagdating sa usaping pangkalusugan.
Sa mensahe ni Mayor Letargo aniya ang pagkakataong makipagpulong sa Ama ng ating Lalawigan ay upang personal na maidulog ang kanilang mga naiisin para sa kanilang barangay gayon din ang mga suportang kailangan nila mula sa ating Gobernador kasabay ng kanyang paglilinaw na hindi ito pangangampanya kaya wala aniya kulay pulitika at isantabi muna ang de kolor sa puti.
Habang sa naging pananalita ni Governor Suarez kanyang inihayag ang ilan sa mga programa at proyektong patuloy na ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan gaya ng health coupon, CT Scan at MRI Facility na nakatalaga sa Quezon Medical Center. Kanyan ring binigyang diin ang layunin na maging food basket ang Probinsya sa pagsiguro ng food security sa tulong ng mga Barangay Kapitan gayon ang una aniyang nilalapitan ng mga mamamayan kung may kailangang tulong at suporta ay mga Kapitan kaya sila ang tumatayong katuwang ng Gobernador sa pagpaabot ng mga programa para sa ating mga kalalawigan.
Sa pagtatapos ng naturang aktibidad ay naihandog ang dalawang rescue vehicle o motorcycle with sidecar sa mga Barangay ng Panikihan at Progreso na magbibigay ng malaking tulong para sa kanilang mga ka-barangay at magagamit kung may mga di inaasahang pangyayari o kung sino ang nangangailangan ng tulong.
No comments