Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Road clearing operation isinagawa sa ilang lansangan ng lungsod

by PIO Lucena/ R. Lim February 22, 2021 Mga tauhan ng lokal na pamahalaan. (Photo ...

by PIO Lucena/ R. Lim
February 22, 2021


Road clearing operation isinagawa sa ilang lansangan ng lungsod
Mga tauhan ng lokal na pamahalaan. (Photo from PIO Lucena)



Upang maging maayos at malinis sa paningin ng mga Lucenahin ang ilang mga lansangan ng lungsod, nagsagawa ng road clearing operation ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan kamakailan.

Magkakatuwang na isinagawa ang nasabing operasyon ng mga tauhan ng Traffic Management Section, Lucena PNP, City Engineering Office, Tricycle Franchising and Regulatory Office at Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office.



Nagsimulang linisin ng mga nasabing tauhan ang kahabaan ng Quezon Avenue atC.M. Recto na kung saan ay iniaalis ang mga nakakasagabal sa mga lansangan.

Binigyang paalala rin ng mga ito ang lahat ng mga may-ari ng business establishments na mahigpit na ipinagbabawal sa batas, batay na rin sa kautusan ng DILG, ang paglalagay ng mga iba’t-ibang uri ng maaring makasagabal sa daanan ng tao.



Maging ang nakaparadang motorsiklo sa lansangan ay kanilang sinasabihan ang may-ari nito na alisin upang hindi makaharang sa mga daanan.

Bagamat may mga ilan pa rin na naging pasaway at ipinairal pa rin ng mga nagsagawa ng operasyon ang kanilang pagiging mahinahon at kinausap ang mga ito.



Kanila ring ipinaaalala sa lahat na ang ginagawa nilang ito ay bilang pagtalima na rin sa ipinag-uutos ng nasyunal na pamahalaan.

Ayon naman kay Traffic Management Section Head Retired Captain Jaime De Mesa, ang operasyong ito ay gagawin ng dalawang beses sa loob ng isang araw na kung saan ay magiging random o walang eksaktong araw kung kalian.

Ito aniya ay upang malaman kung sumusunod ang kanilang mga sinabihan sa nasabing aktibidad.

Samantala, binigyang linaw rin naman ni Sir Jaime De Mesa na ang mga makukuhang nakasagabal sa daanan ay dadalhin sa Motorpool at maari naman itong tubusin sa kanilang tanggapan.

Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad ay batay na rin sa kautusan ng DILG na kung saan ay matagal na ring ipinatutupad hindi lamang sa Lucena kundi maging sa buong bansa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.