by PIO Lucena/K.Monfero February 2, 2021 Seminar on Psychoeducation on Sustance use disorder/suicide/depression/anxiety & trauma ang San...
February 2, 2021
Seminar on Psychoeducation on Sustance use disorder/suicide/depression/anxiety & trauma ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Dos sa pangunguna ni Sk Chairman John Angelo Bunag (Photo from PIO Lucena) |
LUCENA CITY - Nagsagawa ng isang Seminar on Psychoeducation on Sustance use disorder/suicide/depression/anxiety & trauma ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Dos sa pangunguna ni Sk Chairman John Angelo Bunag kamakailan.
Ginanap ang naturang gawain sa Lucena City Anti-Drug and Abuse Council Office na dinaluhan naman ng mahigit kumulang dalawampung (20) kabataan mula sa nabanggit na barangay.
Dito naimbitahan bilang panauhing tagapag-salita si Ginoong Teofilo Palsimon, isang psychologist kung saan ipinaliwanag at tinalakay nito nararanasan ng mga kabataan ngayon tulad ng anxiety at depression.
Magugunitang ang mga ganitong karamdaman ang ilan sa nagiging matinding usap-usapan dahil maraming kabataan ang nakararanas ng ganito lalo na noong nagka-pandemya at nagsimula ang community quaranting sa bansa at maging sa lungsod.
Kaya naman ayon kay Bunag, layunin ng kanilang isinagawang seminar na mabigyang linaw sa mga kabataan kung ano nga ba ang mga sintomas o palatandaan na mayroong anxiety at depression ang isang indibidwal.
Ito ay upang matulungang malinawan rin ang mga kabataan sa mga maaari nilang gawin para maiwasan ang ganitong karamdaman.
Kaugnay nito, napanatili pa rin naman ang pagpapatupad ng health protocols kung saan ang lahat ng dumalo ay nakasuot ng facemask at may physical distancing.
Dagdag pa nito, kasama sa kanyang plano ngayong taon ng 2021 ang mas pinaigting na pagpapahalaga sa mental health awareness ng kabataan ng kanyang barangay na nasasakupan.
Nagbigay pasasalamat naman ito sa lahat ng dumalo at nakiisa sa nasabing gawain pati na rin sa kanyang konseho at mga naging bisita.
Aniya, patuloy lang niyang pagsisilbihan ang mga kabataan upang ipakita at iparamdam sa mga ito na hindi sila nag iisa lalo na sa panahon ngayon na may pandemya.
Handa aniya silang makinig at umagapay sa kanilang kapwa kabataan.
No comments