by Quezon - PIO February 9, 2021 LUCENA CITY - Pinangunahan ng Provincial Tourism ang isinagawang regular na pagtataas ng watawat ng Pamahal...
February 9, 2021
LUCENA CITY - Pinangunahan ng Provincial Tourism ang isinagawang regular na pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Panlalawigan kaakibat ng patuloy na pagsunod sa mga pinaiiral na health and safety protocols sa naturang aktibidad na isinagawa sa Quezon Convention Center nitong ika-8 ng Pebrero.
Bagamat walang naging datos sa turismo nitong nakaraanng taon dahil sa pagsasara nito dulot ng COVID-19 ay nagbigay naman ng ilang mga paalala si Tourism Officer Jun Bay kaugnay sa unti-unting pagbubukas ng turismo dito sa ating Lalawigan upang makatulong sa ekonomiya at kabuhayan ng mga maliliit na negosyo. Andyan din ang panawagan na unahin muna nating pasyalan ang tourist destination dito sa ating Probinsya at tangkilikin ang sariling atin kasabay ng paalala ng pagdadala pa rin travel pass at medical certificate para sa mga turistang papasyal sa ating Lalawigan.
Habang sa naging mensahe ni Executive Assistant III Jigs Panganiban na kumatawan kay Governor Danilo E. Suarez kanyang ibinahagi ang ilan sa mga pinagkaabalahang aktibidad ng ating Gobernador sa patuloy na pagkakaloob ng serbisyo para sa ating mga kalalawigan.
Nagkaroon din ng munting tanungan at kamustahan sa piling mga kawani ng Provincial Government at G. Bay na nagkaloob ng mga buli face mask para sa nakiisa sa question and answer portion.
Samantala, sa pagtatapos ng naturang flag raising ceremony inanunsyo rin ng G. Bay ang ilang mga nakatakdang aktibidad na magsisimula ngayong Linggo sa pagtutulungan ng kanilang tanggapan, Provincial Agriculture Office at SM City Lucena gayon din ang pagbubukas ng biyahe ng ilang nga bus company.
No comments