by Quezon – PIO February 17, 2021 LUCENA CITY - Patuloy na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programa at proyektong tugon p...
February 17, 2021
LUCENA CITY - Patuloy na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programa at proyektong tugon para sa ating mga kalalawigang patuloy sa pagtupad sa kani-kanilang mga tungkulin sa kabila ng pagharap sa makabagong normal.
Kung saan sa Talao-Talao Port sa Lungsod ng Lucena ay sinalubong ang shipment o supply ng mga baboy mula sa SOCCSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos) at ibang parte ng Mindanao na dadalhin pa-Maynila. Habang tinatayang may 13 truck ang naturang shipment ng mga baboy na may bilang na nasa 1,350.
Gayon din ay pinangunahan ni Secretary William Dar ng Department of Agriculture ang nabanggit na aktibidad kaisa sina Governor Danilo E. Suarez at Lucena City Mayor Roderick “Don-don” Alcala.
Inaasahang ang mga baboy na dadalhin sa National Capital Region o NCR ay ang unang batch ng mga karneng baboy na maaring mabili sa merkado batay sa nakaatas na presyo nito. Layon ng programang ito na maibsan ang mataas na presyong nararanasan ng mga konsumers.
Samantala, asahan pa ang ilang mga shipments ng mga baboy na mabibili sa presyong abot kaya na siguradong hindi kabilang sa mga nabiktima ng African Swine Flu (ASF).
No comments