Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Cacao productivity enhancement program, isinagawa sa bayan ng Unisan

by Quezon PIO March 11, 2021 UNISAN, Quezon - Isinagawa sa bayan ng Unisan ang Cacao Productivity Enhancement Program / Urban Agriculture Pr...

by Quezon PIO
March 11, 2021



Cacao productivity enhancement program, isinagawa sa bayan ng Unisan


UNISAN, Quezon - Isinagawa sa bayan ng Unisan ang Cacao Productivity Enhancement Program / Urban Agriculture Program sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist at Pamahalaang Panlalawigan kaugnay nito ay nagkaroon rin ng Training on Good Agricultural Practices (GAP) for Cacao, Training on Urban Agriculture at Distribution of Agricultural Inputs na ginanap sa Unisan Livestock and Plant Nursery nitong ika-2 ng Marso taong kasalukuyan.

Kaisa ni Governor Danilo E. Suarez sa mga dumalo sa naturanng aktibidad sina 3rd District Congw./Unang Ginang Aleta C. Suarez, Vice Governor Sam Nantes, Bokal Jet Suarez, Provincial Agriculturist/Administrator Roberto Gajo,Regional Director Ramon Rivera ng Philippine Coconut Authority (PCA) Region IV-A, Landbank Lucena City Branch Head Mr. Joel Babaan at mga panauhin mula Green Power Development Director Jinno Toshiake at Taihei Altech Construction President Miyashita Ken.



Habang ipinaliwanag naman ni G. Joel Alpay ng Agriculture Office kung bakit Cacao ang napili nilang pananim na isulong sa sektor ng sakahan ngayon para sa ating Lalawigan. Ibinahagi naman ni (Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan ) SICAP-Quezon Federation President Florencio Flores ang ilan sa kanilang mga naging karanasan sa pagsasaka maging sa panahon ng pandemya.

Sa naging pananalita ni PCA Regional Manager Rivera, nariyan ang kanyang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa pagkakaroon ng Coconut Division at panawagan sa mga magsasaka na magkaisa at magtulungan para sa masaganang ani.



Gayon naman sa naging mensahe ni Bokal Jet Suarez kanyang ibinahagi ang layunin na magkaroon ng Bondoc Peninsula Chocolate kung kaya buo ang kanyang suporta sa coconut-cacao intercropping project.

Samantala binigyan namang pagpapahalaga ni Governor Danny Suarez ang sektor ng agrikultura na isa sa patuloy sa mga interventions upang mas magakaroon ng masaganang ani ang ating Lalawigan kaugnay nito kanyang pagsiguro sa pagtugon sa medikal na suportang kailangan ng ating mga kalalawigan.



Matapos ang aktibidad na ito ay nagkaroon ng MOA signing ng Coconut-Cacao Intercropping Project at Distribution ng mga agricultural inputs para sa iba’t-ibang samahan at grupo ng mga magsasaka ng ating Lalawigan.

Bago matapos ang buong araw ay bumisita naman ang mga panauhin natin mula sa bansang Japan kasama nina Gov. Suarez at Congw. Aleta Suarez sa ipinagagawang Quezon Coconut Research Facility sa bayan ng Catanauan at personal na sinalubong ng Alkalde nito na si Hon. Ramon Orfanel, Sangguniang Bayan Members at si SLSU President Dorace Zoleta – Nantes kaugnay nito ang mga magagandang plano para sa naturang pasilidad. (Quezon – PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.