by PIO Lucena/K.Monfero March 3, 2021 Mga kawani ng Regional Maritime Unit-4A, Quezon Maritime Police Station, Lucena Disaster Risk Reductio...
March 3, 2021
Mga kawani ng Regional Maritime Unit-4A, Quezon Maritime Police Station, Lucena Disaster Risk Reduction Management Office at ilang miyembro ng Lucena PNP. (Photo from PIO Lucena) |
LUCENA CITY - Nagsagawa ng coastal clean-up at tree planting activity sa Barangay Talao-talao kamakailan bilang pag-gunita sa 38thFounding Anniversary ng Coast Guard District Southern Tagalog na ay temang “Serving the Community, Protecting the Land and Sea”.
Nakiisa naman sa nasabing aktibidad ang mga kawani ng Regional Maritime Unit-4A, Quezon Maritime Police Station, Lucena Disaster Risk Reduction Management Office at ilang miyembro ng Lucena PNP.
Bagama’t nasa gitna ng initan ang nasabing mga nakiisa sa nasabing aktibidad, matiyaga pa rin namang pinulot ng mga ito ang mga basura sa baybaying dagat tulad ng mga sanga, plastic, balat ng chichirya, kendi, bote at iba pa upang masiguro na mapanatili ang kalinisan nito at mailigtas ang mga lamang dagat mula sa polusyon na dulot ng mga basura.
Nasa 15 sako ng basura naman ang nakolekta ng nasabing grupo mula sa isinagawang coastal clean-up.
Kasabay nito ay ang pagtatanim din ng mga nasabing kawani ng Rhizophora sa naturang barangay upang magkaroon ng dagdag proteksyon ang nasabing barangay mula sa pagbbaha o sa tuwing may hindi inaasahang sakuna tulad ng daluyong o storm surge.
Tinatayang nasa 280 mga Rhizophora o isang uri ng Mangrove trees ang naitanim sa lugar.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga residente ng barangay ang pagsasagawa ng ganitong klase ng aktibidad sa kanilang lugar, anila, kahit nasa gitna ng pandemya ang lungsod at maging ang buong mundo ay hindi pa rin nakakalimutang pangalagaan ng mga opisyales sa lungsod ang pagpapahalaga at pagprotekta sa kalikasan. (PIO Lucena/K.Monfero)
No comments