by PIO Lucena/EJ Bagnes March 17, 2021 Ramil Caballero (Photo from Lucena PIO) ...
March 17, 2021
Ramil Caballero (Photo from Lucena PIO) |
LUCENA CITY - Hindi pa rin talaga nauubos ang mga good samaritan sa mundo kahit na patuloy ang nararanasan pandemya at kahirapan, Ito ang pinatunayan ng isang street sweeper sa Lungsod matapos magsauli ito ng pera at cellphone kamakailan.
Kinilala ang nataguriang good samaritan na si Ramil Caballero ng Solid Waste Management Division ng General Services Office ng Lungsod ng Lucena.
Kwento nitong nakita niya ang bag sa bahagi ng Cabana St. sa kahabaan ng Quezon Avenue na kung saan ay naglalaman ng pera at mahahalagang ID’s.
Matapos na makuha ay agad naman nitong dinala sa tanggapan ng Public Information Office at personal na ibinigay kay Arnel Avila upang maipanawagan sa may-ari.
Samantala, nagkakahalaga ng mahigit labing limang libong piso ang lamang ng nabanggit na bag, katumbas na ng isang buwan na suweldo ni Cabellero ngunit hindi niya ito pinag-intiresan bagkus ay minarapat niyang isauli ito sa may-ari.
Taos pusong nagbigay pasalamat naman ang may-ari ng naturang bag sa empleyado ng lokal na pamahalaan matapos na matanggap muli nito ang kanyang gamit.
Lubos naman ang paghanga ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa ginawang good deeds ni si ginoong Caballero.
At sinabing sa ginawa niyang ito ay itinaas niya ang pangalan ng mga miyembro ng mga magwawalis at maghahakot ng basura, pati na rin ang mga empleyado ng pamahalaang panlungsod.
No comments