by PIO Lucena/Josa Cruzat March 3, 2021 BJMP Lucena Female Dormitory (Photo from ...
March 3, 2021
BJMP Lucena Female Dormitory (Photo from PIO Lucena) |
LUCENA CITY - Bilang pagbibigay suporta sa paglinang ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa loob ng piitan, naglunsad ang pamunuan ng BJMP Lucena Female Dormitory ng isang programa na kung tawagin ay “Kapwa Ko, Mentor Ko”.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni Jail Warden JINSP Fernita Endrinal, naging matagumpay ang paglunsad ng naturang programa kamakailan.
Dito ay siyamnapung PDL ang nakilahok kung saan ay tatlumpu sa mga ito ay magiging mentor ng natirang animnapung PDL na siyang mga estudyante sa high school at elemtarya ng Alternative Learning System o ALS.
Ayon sa pamunuan, ang programang ito ay naglalayon na masuportahan pati na rin hamunin ang mga ALS students sa kanilang kalinangan habang ang mga ito ay patuloy sa kanilang ALS Online Learning na siiyang suportado ng Department of Education.
Kaugnay nito, ang mga tatlumpung PDL mentors naman ay pawang mga nagsipagtapos sa kolehiyo at high school na siyang mga malugod namang magbigay oras upang magbahagi ng kaalaman sa kapwa PDL.
Naniniwala ang pamunuan ng Lucena District Jail Female Dormitory na sa pamamagitan ng dagdag kaalaman at kasanayan ay makaaambag ito sa kanilang katagumpayan at kaangkopan sa komunidad kapag ang mga ito ay bumalik na sa lipunan.
Makatutulong anila ang edukasyon sa kanilang pagbabagong buhay sa labas ng piitan.
No comments