by Quezon PIO March 17, 2021 LUCENA CITY - Isinasagawa ang tuloy-tuloy na malawakang kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbabakuna kon...
March 17, 2021
LUCENA CITY - Isinasagawa ang tuloy-tuloy na malawakang kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbabakuna kontra COVID-19 kaisa ang Integrated Provincial Health Office (IPHO), Quezon Medical Center (QMC) at Department of Health (DOH) Region IV-A.
Kung saan naganap ang Orientation ng Community Mobilizers for COVID-19 Vaccination at Education and Information Campaign sa Lungsod ng Lucena, bayan ng Lucban at Sampaloc na dinaluhan ng mga miyembro Luntiang Katipunero (LK), Provincial Union of Leaders Against Illegalities (PULI) at Q1K Coordinators na silang tatayong mobilizers.
Kaugnay nito ay ipinaliwanag ni Mr. Allan Valencia, Nurse I mula sa IPHO ang mga impormasyong kailangang malaman ng mga mobilizers na dapat maiparating sa kanilang komunidad na may kinalaman sa pagtuturok laban sa banta ng COVID-19.
Habang ang aktibidad na ito ay personal namang dinaluhan ni Governor Danilo E. Suarez, Vice Governor Sam Nantes, 1st District Board Member Alona Obispo at 2nd District Board Member Yna Liwanag.
Sa naging mensahe naman nina Bokal Obispo at Liwanag, kanilang taos pusong pinaabot ang suporta sa kampanyang ito ng Provincial Government gayon din ang kanilang pagkilala sa mga magiging tungkulin ng mga tatayong mobilizers sa programang ito.
Para naman kay Vice Governor Nantes, siya ay laging kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan lalo na sa mga programa at serbisyong hatid para sa ating mga kalalawigan lalo na ang maigting na kampanya ngayon sa kahalagahan ng pagpapabakuna upang labanan ang virus o tinatawang na COVID-19.
Sa naging mensahe ni Governor Suarez, kanyang ibinahagi ang ilan sa mga patuloy at nais pang ipagkaloob na mga programa, proyekto at tulong para sa ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang sektor ng ating Probinsya gayon din ang pasalamat sa mga PULI, LK at Q1K members na silang kaagapay palagi ng Pamahalaang Panlalawigan upang agad itong maihatid sa kanilang komunidad.
Sa ngayon ay naturukan na ang mga magigiting na mga medical frontliners o mga Doktor mula sa QMC na silang prayoridad sa pagdating ng unang batch ng vaccine sa ating Lalawigan.
No comments