by Quezon PIO March 17, 2021 UNISAN, Quezon - Isinagawa sa bayan ng Unisan ang orientation of community mobilizers for COVID-19 vaccination ...
March 17, 2021
UNISAN, Quezon - Isinagawa sa bayan ng Unisan ang orientation of community mobilizers for COVID-19 vaccination at education and information campaign na layong maibahagi ang malawakang impormasyon hinggil sa pagbabakuna kontra COVID-19 na naganap nitong ika-16 ng Marso.
Dinaluhan naman ng mga miyembro ng Luntiang Katipunero (LK) at Provincial Union of Leaders Against Illegalities (PULI) ang naturang aktibidad na silang tatayong mobilizers na maguuli sa kanilang komunidad upang ibahagi ang kaukulang impormasyon hinggil sa malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Pinangunahan naman ng isa sa mga kawani ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) na si Nurse I Stephen Yancy Otieco na siya nagfacilitate sa naganap na orientation na nagtalakay ng kaukulang impormasyon sa pagbabakuna.
Habang, nakiisa naman sa aktibidad na ito sina Former Unisan Vice Mayor Jun-Jun Suarez at Senior Board Member Jet Suarez upang ipakita ang kanilang suporta hinggil sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan, IPHO at Department of Health sa pagbabakuna.
Sa mensahe ni Former Vice Mayor Suarez, kanyang ipinaabot ang pasasalamat sa mga LK at PULI na silang tatayong mobilizers kasabay ng pagbabahagi ng kahalagahan sa naturang orientation.
Ibinahagi naman ni Bokal Suarez, ang ilan sa mga programang patuloy na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan na tugon sa suportang kailangan ng ating mga kalalawigan mula pa noong una hanggang ngayon naranasan ng ating Probinsya ang pandemya.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagkakaroon ng malawakang education and information campaign hinggil sa COVID-19 kasabay ng pagbabakuna para sa mga magigiting na health care workers ng ating Lalawigan.
No comments