by Quezon - PIO March 24, 2021 LUCENA CITY - Isinagawa sa mga bayan ng unang distrito ng Lalawigan ng Quezon partikular sa Mauban, Pagbilao ...
March 24, 2021
LUCENA CITY - Isinagawa sa mga bayan ng unang distrito ng Lalawigan ng Quezon partikular sa Mauban, Pagbilao at Lungsod ng Tayabas ang orientation of community mobilizers for COVID-19 vaccination at education and information campaign nitong nakalipas na araw ng Biyernes, ika-19 ng Marso.
Habang inaasahan na tatayo bilang mga mobilizers ay ang mga kasapi ng Luntiang Katipunero (LK), Provincial Union of Leaders Against Illegalities (PULI) at Q1K coordinators na silang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan, Integrated Provincial Health Office (IPHO) at Department of Health (DOH) sa pagbabahagi ng tamang impormasyon hinggil sa kahalagahan ng vaccine laban sa COVID-19 na pinangunahan naman ng IPHO staff ang naturang orientation.
Personal ding sinalubong ng mga Alkalde ng nabanggit na mga lugar ang pagdating ni Governor Danilo E. Suarez, Vice Governor Sam Nantes at 1st District Board Member Alona Obispo at ipinagpasalamat ang mga hakbang ng Provincial Government upang labanan ang virus gayon din ang mga paalala ng ibayong pagsunod sa mga pinaiiral na health and safety protocols sa ating Lalawigan kasabay ng pagpapasalamat sa mga programa at serbisyong kaloob ng Ama ng Lalawigan para sa kanilang mga kababayan.
Patuloy naman ang pagpapaabot ng suporta ni Vice Governor Nantes at Bokal Obispo sa bawat inihahatid at ipinagkakaloob na mga programa at serbisyo para sa ating mga kalalawigan kaugnay ang pagpapakita ng suporta sa kampanya ng malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Samantala, ibinahagi naman ni Governor Suarez ang mga pinalawig na programa para sa ating mga Quezonian kasabay ng pasasalamat sa mga katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng serbisyo para sa ating kalalawigan at pasasalamat sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya upang makapaglingkod sa ating Probinsya.
Patuloy naman ang malawakang kampanya at pagbabahagi ng tamang impormasyon kaugnay sa kahalagahan ng pagpapabakuna kasabay ng nagpapatuloy na vaccination sa mga health care workers sa ating Lalawigan.
No comments