Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagkakaroon ng face-to-face classes sa lungsod, hindi pa nirerekomenda ng Schools Division Superintendent

by PIO Lucena/K.Monfero March 3, 2021 Magugunitang naging usap-usapan ang posibilidad ng muling pagbabalik at pagkakaroon ng face-to-face cl...

by PIO Lucena/K.Monfero
March 3, 2021


Pagkakaroon ng face-to-face classes sa lungsod, hindi pa nirerekomenda ng Schools Division Superintendent



Magugunitang naging usap-usapan ang posibilidad ng muling pagbabalik at pagkakaroon ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Sa isang panayam kay Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban sa programang Pag-Usapan Natin ni Arnel Avila, nilinaw nito ang plano ng DepEd Lucena higgil sa usapin na ito.



Bagama’t hindi pa nirerekomenda ni Panganiban ang pagkakaroon ng face to face sa lungsod sa kadahilanang mayroon pa ring kaso ng nakahahawang sakit sa lungsod.

Mayroon naman na aniyang ginawang plano ang Schools Division Office ng lungsod kung sakaling ibalik na nga ito.



Nilinaw nito na kung sakaling ibabalik na ang pisikal na pagpasok ng mga estudyante sa paaralan, 50% lamang ng klase ang kanilang pahihiluntulutang pumasok.

Nagbigay ito ng halimbawa na kung mayroong 30 estudyante sa isang klase hahatiin nila ito sa dalawa.



2 araw para sa unang 15 at 2 araw ulit para naman dun sa natitira pang 15, ito aniya ay upang mapanatili ang physical and social distancing sa silid-aralan.

Samantala, ipinaliwanag naman nito na imposible pa ang ganitong sistema sa kasalukuyang school year 2020-2021.

Aniya, matatapos ang school year na ito sa modular learning modality at online class upang makasigurado na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.