by Quezon - PIO March 24, 2021 LUCENA CITY - Pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez ang tuloy-tuloy na kampanya para sa malawakang pagbab...
March 24, 2021
LUCENA CITY - Pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez ang tuloy-tuloy na kampanya para sa malawakang pagbabakuna sa pamamagitan ng orientation at education and information activity sa tulong mga kawani mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) at sumailalim naman ang mga Luntiang Katipunero (LK), Provincial Union of Leaders Against Illegalities (PULI) at Q1K coordinators sa naturang aktibidad na naganap nitong ika-18 ng Marso.
Kung saan tumulak ang grupo ni Governor Suarez sa Lungsod ng Tayabas, Plaridel, Atimonan at Gumaca kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, 4th District Board Member Dhoray Tan, Former Board Members Raquel Mendoza, Arcie Malite at Gerard Ortiz.
Habang personal namang sinalubong si Governor Suarez ni Tayabas City Mayor Ernida Reynoso kasama ang Sangguniang Panlungsod Members na ipinaabot ang suporta sa kampanyang ito ng Pamahalaang Panlalawigan para sa malawakang pagtuturok upang labanan ang COVID-19.
Patuloy naman sa pagsuporta sina Vice Governor Nantes at Bokal Tan sa bawat programa at serbisyong hatid ng Provincial Government para sa ating mga kalalawigan lalo na sa mga gawaing tugon upang labanan ang pandemya dulot sa virus na tinatawag na COVID-19.
Kaugnay nito ay naganap rin ang pagbabakuna sa mga health care workers ng Gumaca District Hospital na silang prayoridad na mabakunahan at labis naman ang pasasalamat ni Dr. Sonny Chin gang Chief of Hospital ng naturang pagamutan gayon din si Gumaca Mayor Webster Letargo.
Samantala, sa naging mensahe ni Governor Danny Suarez kanyang ipinaabot ang labis na pasasalamat sa mga LK, PULI at Q1K members na silang tatayong mobilizers na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbabahagi ng tamang impormasyon hinggil sa kahalagahan ng pagbabakuna kasabay ng pagbabalita ng mga pinalawig na programa, serbisyo at proyekto para sa ating Probinsya.
Sa ngayon ay patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan kaisa ang IPHO at Department of Health (DOH) sa paghahatid ng tamang impormasyon sa ating komunidad kaugnay sa kampanya ng malawakang pagbabakuna bilang proteksyon sa COVID-19.
No comments