by Quezon – PIO April 22, 2021 LUCENA CITY - Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) Region IV-A sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang ...
April 22, 2021
LUCENA CITY - Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) Region IV-A sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga agricultural inputs at grant assistance sa iba’t-ibang samahan ng mga magsasaka mula sa Lungsod ng Lucena, bayan ng Tiaong at Dolores kasabay nito ang pagkakaloob ng wing van truck na bahagi ng programang KADIWA ni Ani at Kita na ginanap nitong nakalipas na araw ng Biyernes, ika-16 ng Abril.
Dinaluhan ni DA –OIC Regional Executive Director Vilma Dimaculangan, Governor Danilo E. Suarez, 2nd District Board Member Yna Liwanag, Dolores Mayor Orlan Calayag, ang kumatawan kay Congressman David “Jayjay” Suarez na si Chief of Staff Diony Rodolfa at ibang mga kawani mula sa Regional Office ng DA ang naturang aktibidad.
Habang sa naging mensahe ni DA Regional Executive Director Dimaculangan sila sa hanay ng DA ay natutuwa na ang inilalaan na pondo at tulong para sa mga samahan ng mga magsasaka at kooperatiba ay nagiging daan para mapaunlad ang kanilang hanapbuhay kasabay ng pagbabahagi ng mga planong programa ng DA na bahagi sa recovery plan.
Sa naging pananalita naman ni Governor Suarez kanyang binigyang pansin na nawa ay maging daan ang mga kaloob na tulong para sa sektor ng Agrikultura para masiguro ang food basket sa ating Lalawigan kasabay ng pagbabalita ng ilan sa mga update sa kalagayan ng Probinsya sa patuloy na paglaban sa COVID-19 at iba pang progama ng Provincial Government.
Ibinahagi naman ni Mr. Rodolfa at BM Liwanag ang kanilang suporta sa mga patuloy na ginagawang programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan na tugon sa suportang kailangan ng ating mga kalalawigan habang binigyang pansin nila ang patuloy na pagpapaunlad at kahalagahan ng sektor ng Agrikultura sa gitna ng pandemya gayon din ang importansya ng kontribusyon ng mga magsasaka.
Sa ngayon ay hindi tumitigila ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga serbisyong kaloob sa ating mga Quezonian sa kabila ng muling pagsailalim n gating Probinsya sa General Community Quarantine upang masiguro na maipaaabot ang suporta para sa iba’t-ibang sektor sa ating lipunan. (Quezon – PIO)
No comments