by Josa Cruzat April 23, 2021 Bureau of Fire Protection Lucena LU...
April 23, 2021
Bureau of Fire Protection Lucena |
LUCENA CITY - Upang maihanda sa anumang sakuna na may kinalaman sa sunog, nagsagawa ng pag-iinspeksyon ang Bureau of Fire Protection Lucena sa ilang mga covid isolation facility sa lungsod kamakailan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Fire Marshall FSUPT Rowena Hernandez Gollod at sa pangangasiwa ni City Fire Director FCINSP Orlando Antonio, binisita ng ilang mga personnel ng firestation ang Sulu Grand Riviera at ang covid isolaton facility sa Quezon Medical Center.
Sa isinagawang pag-iinspeksyon, tiningnan ng mga ito kung sumusunod ba ang mga nabanggit na lugar sa mga kinakailangang fire safety equipment na mayroon ang isang pasilidid.
Dito ay nakumpira ng Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog ng lungsod na tunay na tumatalima ang mga ito sa nasabing regulasyon dahil ang mga naturang pasilidad ay nakitaan ng fire extinguisher, fire hose, fire alarm, fire exits, at maging fire emergency evacuation plan.
Pahayag ng kawanihan, mahalagang mayroong nakalaan na ganitong mga uri ng kagamitan ang mga pasilidad katulad ng Sulu Grand Riviera at Quezon Medical Center dahil naglalaman ang mga ito ng maraming tao na siyang mga kinakailangang masiguro ang kaligtasan sa oras na magkaroon ng sunog.
Sakali namang magkaroon nito, makatutulong aniya ang mga nabanggit na equipments upang makapagbigay alerto at makalabas ng building ang mga tao, mapuksa kahit papaano ang sunog, at magkaroon ng panahon na makahingi ng tulong.
Ang pagkakaroon ng mga kaukulang kagamitan na ito sa mga nabanggit na lugar ay nagpapakita lamang ng kanilang kahandaan sakaling humantong sa ganitong klase ng pangyayari.
Samantala, nagbigay paalala naman ang BFP Lucena na mangyaring tumawag sa kawanihan sakaling magkaroon ng fire emergencies sa numerong local (042) 710-0110 o 797-2320 o kaya ay sa kanilang cellphone number 09996756455.
Hangad ng buong kawanihan ang kaligtasan ng mga Lucenahin laban sa masamang maidudulot ng mapinsalang sunog. (PIO Lucena)
No comments